Lovi Poe reyna ng mga kabadingan

    263
    0
    SHARE

    Bakit nga ba malakas ang Temptation Island ng Regal?

    For one, buubog sa publisidad at talagang na-curios ang taumbayan. Sa true, technically, pangit naman ang pelikula, hindi ito classic but the promo of the movie ay tumpak, hindi sobrang luto.

    Puwede na rin sigurong sabihing, isa si Lovie Poe (at ito PR na naming sa alaga ni Leo Dominguez, ha!) kung bakit marami ang nanonood ng movie na ito. Baklang-bakla kasi ang atake ng role ni Lovi.  

    Nag-effort din naman sina Solenn Heusaff, Ruffa Mae Quinto, lalo na si Marian Rivera. Pero, wala silang magagawa. Minani-mani lang ni Lovi ang role niya bilang Serafina.

    Yakang-yaka, ‘ika nga. Bading na bading.

    Hindi kataka-taka kung maging idolo siya ngayon  ng mga kapatid natin sa hanap-buhay at bading communities sa ‘Pinas.  At  pustahan tayo, maging sa ibang bansa kung saan naglipana rin a ng mga kampon ni Eba.

    Nag-aalala lang si Lovi na makarinig na naman siya ng puna, kantiyaw, intriga at kung anu-ano pa. Kasi nga, bilang anak ni Da King FPJ, hindi raw siya dapat magsusuot ng malaswang damit at tumanggap ng malaswang pelikula. As if  malaswa ang pelikula ni Mother Lily na Temptation Island.

    Hindi na lang kumikibo si Lovi. Tinatanggap na lang niya at nilululon ang laway, hoping against hope na mauunawaan ng mga ito na love niya ang showbiz at wala siyang intention na makasira sa reputasyon ng kanyang dakilang ama.

    Okey ba. Rodel Fernando?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here