Lovi Poe ‘nilalaro’ ang press tungkol sa kanila ni Ronald Singson

    366
    0
    SHARE
    Sinungaling si Lovi Poe pagdating sa pag-ibig.  Yes, gusto sana niyang magpaka-discreet pero lagi na, siya mismo ang nagbubuking sa kanyang mga relasyon.  Iba’ng sinasabi niya kesa ginagawa niya.

    Nung sila pa ni Jolo Revilla, kesyo ganyan at ganito, pero lagi naman silang magkasama. Yes, maraming hindi true sa mga sinasabi niya during interviews.

    Ganyan din more or less sa sitwasyon nila ni Ronald Singson.  Never siyang umamin pero lagi na nahuhuli nasa Hongkong to join Ronald . In fact, mismong si Chavit Singson told the press about the truth of their relationship, pero lagi na sinsabi ni Lovi na kesyo ganyan at ganito.

    Heto ngayon, break na raw sila. Biglang nangyari yun, ano po!

    Out of the blue, break na gayung wala namang pag-amin na naging sila.

    We suspect, pinagbabawalan na si Lovi ng GMA 7 at ng Regal Films dahil negative ang dating niya sa publiko kasi nga tinanggal na sa Kongreso si Ronald at nasetensiyahan pang makulong sa Hongkong. Hindi nga naman magandang image yun para kay Lovi Poe.

    Siyempre, sayang din ang milyon-milyong kikitain niya lalo pa’t maraming projects na ibibigay ngayon sa kanya.

    Ang ending, maraming emo tweets si Lovi pertaining sa pakikipag-break niya kuning kuning kay Singson. Alam n’yo na, para sa publisidad.

    Una, nagpaeste-este si Lovi in some interviews, dinahan- dahan tayo. Kesyo hindi pa siya handa to divulge yung break up nila.

    But in the next event ayun, nagsalita na si Lovi, wala na raw sila ni ex-congressman Ronald Singson.

     “It’s time to move on. We have to look forward now. I’ve put the past behind me. It’s better to talk now about my work and my future projects, instead of dwelling on the past. I thank God for the continuous blessings.”

    Nagtapat na si Lovi Poe na tapos na ang pag-iibigan nila ni Congressman Ronald Singson.

    Bago  hatulan ng Hong Kong court ng isang taon at anim na buwang  pagkabilanggo, nag-usap na raw sila ni Ronald..

    Nagdesisyon daw si Ronald to set her free dahil alam nito kung gaano kahirap para sa kanya ang sitwasyon dahil sa kasong nasuungan nito sa HK.

    “Napakabait ni Ronald. Hindi siya  selfish. Alam niya na parehong mahirap sa amin ang sitwasyon. Kaya siya na ang nagsabi sa akin that he`s setting me free.

    “He will always be special to me. Hindi ko makalilimutan ang mga pinagsamahan namin,” maluha-luhang wika ni Lovi.

    Sa ngayon, magko-concentrate daw muna si Lovi sa showbiz career.

    Di ba malinaw, nilalaro lang tayo ni Lovi Poe? Pustahan, silang dalawa pa ni Ronald at di true na break na sila. Papuputol ko ang aking leeg kung totoong wala na sila.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here