Lovi Poe nakipag-sex kay Felix Roco

    939
    0
    SHARE
    Hanggat maaari ay gusto sanang maging wholesome ang dating ni Felix Roco pero hindi niya ito nagawang pangatawanan. Inilitaw kasi ni direk Joel Lamangan ang puwet niya sa pelikulang ginagawa niya sa love scene nito kay Lovi Poe.

    Iiniyakan nga ni Felix Roco ang desisyon niyang  magpapakita ng behind sa love scenes with Lovi Poe sa pelikulang Sagrada Pamilya.

    Wala raw kasi sa career plan niya ang paghuhubad at gusto niyang maging wholesome actor tulad ng idol at amang si Bembol Roco.

    Maging si Bembol ay hindi alam ang ginawang paghuhubad ng anak.

    Kung magpapaalam man si Felix sa ama ay alam nitong hindi papayag si Bembol.

    Never daw kasing nagpakita ng katawan si Bembol noon sa pelikula at ang ipinakita ay ang talino sa pag-arte.

    Kabilin-bilinan daw ni Bembol na alagaan ni Felix ang malinis na pangalang iniwan ng ama sa showbiz.

    Kahit pakikipag-affair sa mga taga-showbiz ay hindi ginagawa ni Felix.

    Mula nang pasukin nito ang showbiz ay walang nabalitaang may naging GF siyang taga-showbiz kahit nagkaroon na ng apat na syotang non-showbiz.

    Inamin din ni Felix na nang lumipat siya sa Siyete ay nabigyan siya ng malalaking role.

    Tulad sa latest season ng Daisy Siete na leading man siya ni Jopay Paguia.

    “Ang Daisy Siete ang nagbigay sa akin ng mala-king break. Nang lumipat ako sa GMA-7 last 2004, napunta agad ako sa Daisy Siete. Bale nakakailang years na  rin ako sa show,” pagmamalaki ni Felix.

    Sa Sagrada Pamilya, si Felix ay boyfriend ni Lovi na tinututulan ng tatay niyang si Emilio dahil may gusto pala ito sa sariling anak.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here