Lovi Poe may kerengkeng factor kina Jake Cuenca at Richard Gutierrez

    236
    0
    SHARE

    Star of the hour ngayon ni Mother Lily si Lovi Poe.  Obvious na set up lang kay Lovi yung kunwari ay victory party ng Temptation

    Island. Kumbaga, isang putok sa dalawang ibon yun dahil sa true, presscon yun ni Lovi para sa advance promo ng My Neighbor’s Wife, kaya nga di naman bawal ang mga tanong tungkol sa kanila ni Jake Cuenca na kasama niyang bida sa naturang  movie.

    And speaking of Jake Cuenca, kulang na lang talaga, yes ang sagot ni Lovi Poe kung true na nanliligaw sa kanya si Jake Cuenca.  Yung statement na siya-lang-po-ang-tanungin-ninyo is more than enough na talagang ginigirian siya ng kanyang bagong leadingman.

    “Matagal na po kaming magkasama sa Bench ad. But we’re closer now. I don’t want to comment kung nanliligaw siya sa akin, siya na lang po ang tanungin ninyo. But of course, he’s very much welcome into my life.

    Basta, sa ngayon, ayoko po ng serysosong relasyon, friends lang po muna, saka na yang pagsi-serious tungkol diyan,” sabi pa ni Lovi Poe.

    Sinagot din niya yung closeness nila ni Richard Gutierrez. Di naman daw sila secretly romancing, at ang alam ni Lovi, talagang friends lang silang anak ni Anabelle Rama.

    “Crush ko po siya talaga at pangarap kong maging kanyang leading lady na nangyari naman agad sa Captain Barbell,” say ni Lovi.

    “Pero hanggang doon  na lang po muna, at umiiwas muna po ako sa rela-relasyon. Kasi po, kailangan kong  samantalahin muna ang nangyayari sa career ko ngayon.”

    At dahil siya lang ang tanging bida sa Temptation Island ang dumalo sa victory party ni Mother Lily, pinagpistahan siya ng press sa away nina Marian Rivera at Heart Evangelista.

    “I feel sad about it as we’re all hoping matigil na, but I’d rather not react at all kasi the more it won’t stop. No one’s gaining anything naman from this, from both sides. They’re my friends, pareho ko silang mahal. Sana, quiet na lang, pati fans nila.”

    She’s elated with the good reviews for her role as the bitchy Serafina in “Temptation Island.” “Salamat talaga at nagustuhan nila ang acting ko and I’m now more inspired to work and give my best.

    Suwerte lang ako si Serafina ang role na napunta sa ’kin kasi colorful siya talaga. Pati boses at pagsasalita ko, binago ko to fit her.”

    And this is the reason kung bakit binigyan siya ng title na  “reyna ng mga bading” na ikinapit sa kanya ng mga reporter dahil siya ang puring-puri sa  super-hit nilang Temptation Island?

    “Buong puso ko pong tinatanggap ang titulong ‘yun! In fact, nagpasalamat po ako sa nakapaligid sa aking mga bading all through-out the shoot ng Temptation. Sila po ang naging  inspirasyon ko sa aking bading role.

     I’m also greatful to Heart dahil sa kanya  talaga ang role na iyon ni Serafina na ipinasa niya sa akin.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here