Mahaba rin ang bakasyon ni Lovi Poe nang magtapos ang Legacy noong isang taon.
Gusto sanang habaan pa ni Lovi ang pahinga pero heto na at kabi-kabila’ng trabaho niya.“Now, I’m taping ‘Akin Pa Rin ang Bukas’ for GMA-7 on Monday, Wednesday and Friday, and ‘Titser’ for GMA News TV Channel 11 on Tuesday, Thursday and Saturday, Hindi na ako natutulog, so be careful what you wish for,” reklamo niya.
“Akin Pa Rin ang Bukas” will replace “Mundo Mo’y Akin” starting July 29 and it’ll be up against “Muling Buksan ang Puso” whose cast includes Susan Roces (wife of her dad) and Agot Isidro (who plays her mentor in “Titser”). “Oo nga, e. Good luck na lang sa amin.
Nag-usap na kami ni Ms. Agot and we agreed na friends pa rin kami kahit magiging magkalaban ang shows namin. But I consider ‘Akin Pa Rin’ a really big challenge kasi first time ko ritong makatrabaho si Ms. Helen Gamboa, who I’m told is a favorite leading lady of my dad.
She’ll play somebody na aapihin ako sa umpisa but will later be my benefactor and help me. First time ko rin to work with Mr. Cesar Montano. I’m excited dahil, napapanood ko lang siya before, ngayon katrabaho ko na.
In the story, I play Loubella, anak sa labas who’ll be maltreated by everyone but won’t give up hope as my character believes na ‘Akin Pa rin ang Bukas’ sa kabila ng mga pagpapahirap nila sa akin.”
Dalawang movies na ang natapos ni Lovi, “Sana Dati”, a Cinemalaya entry that starts showing at the CCP on July 27, and “Lihis”, a Sineng Pambansa entry in September.
Magaling daw siya sa Sana Dati, at posibleng talunin pa raw niya si Vilma Santos sa kanyang Ekstra.
“Naku, hindi ako umaasa. Imposible. Vilma Santos yun. Basta I’m happy with our project and I’m happy with my role.”
In “Lihis”, she plays the flirty college girl who steals Joem Bascon from the gay Jake Cuenca. “Ang landi-landi mo raw sa movie,” someone tells her.
“Ay, hindi, a. Mas malandi sa’kin si Jake,” humahalakhak niyang salita.
Is it true she got jealous because Jake (said to be her secret BF) had a truly hot love scene with Joem in “Lihis” that borders on gay porn? “Bakit naman ako magseselos, e never naman naging kami.
Believe it or not, we’re really just good friends. Wala akong lovelife at all, simply because I don’t have the time. Nakakatawa nga kasi may nagsulat ding nagkabalikan kami ni Ronald (Singson), which is also not true.”
Samantala, sobrang honored and proud si Lovi Poe sa pagbibigay sa kanya ng titulong Primera Aktresa ng GMA-7. Aniya, nang una nga raw sinabi sa kanya ’yun sa meeting ay nagulat siya at sobrang thankful.
“I was really surprised,” say niya sa packet presscon para sa bago niyang serye sa GMA-7 na Akin Pa Rin Ang Bukas. Naiiyak nga ako because I can’t believe na nangyayari ito sa akin ngayon.
“Sabi ko nga, may mga bagay na nabibigay sa ’yo na nahihiya kang tanggapin. Nu’ng nangyari ’yun, parang na-feel ko, ‘ano ba’ng ginawa kong tama?’” she said na natatawa.
Pero aniya, sa pagbibigay sa kanya ng titulong ito ay lalo raw siyang na-inspire to do good at lalo raw siyang ginanahang magtrabaho.
Aminado siyang napi-pressure raw siya pero aniya ay ibibigay daw niya talaga ang lahat ng best niya sa proyektong ito.