Heto na naman si Lovi Poe sa kanyang mga dilly dally na kasagutan. Kahit na malinaw na ‘yung sinabi ni Jake Cuenca na karelasyon na siya nito, still, panay pa rin ang denial ni Lovi.
Ano nga ba totoo?
Sa interview kay jake ito ang isa sa mga linya niya.
“Ibalato n’yo na lang ‘yun sa’kin.”
‘Pag ganyan kasi ang sagot, ibig sabihin, true. Bakit hindi madiretso ni Jake na di totoo, bakit kailangang ibalato pa?
“There’s nothing romantic going on between us,” sabi naman ni Lovi. “Good friends lang talaga kami after we did ‘My Neighbor’s Wife.’
We maintained our communication. He’s really a nice guy, very generous at nagpapadala pa ng food sa taping ko ng ‘Legacy.’ Pero hindi ko ‘yun nilalagyan ng ibang meaning o malisya. Mabait lang talaga siya.”
Hahaha. Boba ba si Lovi o nagtatanga-tangahan lang?
She just finished shooting “Thy Womb” with Nora Aunor, directed by Brilliante Mendoza. “At first, intimidated ako dahil sa status niya,” magandang salita ni Lovi kay Nora.
“Pero ang bait-bait niyang kaeksena, so humble, never making me feel na malaking artista siya. Nagpa-picture nga ako agad with her as she made me feel pantay lang kami.”
Ano ang role niya? “Hindi ko rin ma-explain kasi walang script. Sinasabi lang sa’kin sa set kung anong gagawin ko.”