Limang taon na palang kinikilig kay Jericho Rosales si Lovi Poe. Kumbga, noon pa man, talagang kung may pagkakataon, Lovi wants to devour or kain-kainin si Jericho Rosales.
And did you know, nagkaroon ng nagkapagkakataon, mismong si Lovi pa’ng nag-request na maging leadingman niya si Echo. Aminado naman siyang matagal na niyang crush si Echo.
“Ever since I started in the business, ’pag tinatanong ako kung sino ang crush ko, siya ’yung parati kong sinasabi. Five years ago ko pa sinasabi ’yun,” say ni Lovi.
Ayon pa kay Leo, first time na nakita ni Lovi in person si Echo noong 2006 at kilig na kilig daw ang young actress nang time na ‘yun.
Ngayong 2011, tinanong namin si Lovi kung kinikilig pa rin siya nang magkita sila sa shooting ng movie.
“Yeah!” mabilis niyang sagot. “He’s really good, super galing niya, grabe! Super funny siya sa set. When he acts, parang natural na natural, parang he doesn’t need much motivation or anything.”
Ready ba siya na ma-link siya kay Echo in the same way na na-link siya kay Jake Cuenca nang makasama niya ito sa My Neighbor’s Wife?
“Well, hindi naman maiwasan na may sabihin ’yung ibang tao. But it’s nice kung may good working relationship, I think that’s good enough.”
Nang tanungin namin kung may bed scenes sila ni Echo, we’re surprised nang sabihin niyang wala.
“Wala, this is different for me, but I’m happy din naman na walang love scenes this time for a change. It’s Solenn’s (Heussaff) moment. Abangan n’yo siya rito. I’m sure everybody’s tired na rin of seeing me in… (daring scenes), so, si Solenn ang abangan ninyo rito.
“This time kasi it’s just that walang masyadong sexy scenes. It’s really cool ’coz finally I’m doing something different naman,” say niya.
Natawa na lang si Lovi nang tanungin what if magpadagdag na naman ng love scenes si Mother Lily tulad ng nangyari sa Aswang.
"Naintindihan ko naman si Mother when she did that, gumanda talaga ‘yung movie because of that. I’m just thankful, she knows best talaga."
Dito raw sa YTT, okay lang kung hihilingin sa kanya na magkaroon sila ng love scenes dahil may tiwala naman daw siya sa direktor at sa producer.