Lovi Poe bagong girlfriend ni Jake Cuenca

    342
    0
    SHARE

    Pangangatawanan na yata ni Lovi Poe that she is single. Na talagang wala na sila ni ex-congressman Ronald Singson at ngayon, sila na ni Jake Cuenca.

    Pero teka, sigurado namang pang-come on lang ito ng pelikula nilang My Neighbor’s Wife na kasunod na ng Temptation Island dahil nga hit ang huli dahil daw kay Lovi Poe.

    Very obvious na ginagawang slant yung di umano, si Lovi ang nagdala ng Temptation Island kaya ito malakas sa takilya. Although, Lovi humbly says na marami silang nagutulong sa pelikulang nag-hit, kitang-kita yung flattered na flattered siya. Kumbaga, lahat sila, nag-effort kaya ito malakas sa takilya.

    Ngayon nga si Lovi Poe ang star of the hour ng Regal Films na na tiyak na tiyak, ibebenta siya ni Mother sa promo ng My Neighbor’s Wife.

    Sexy  si Lovi sa My Neighbor’s Wife  at sa pictorial pa lang, nagpaseksihan na sila ni Carla Abellana. Ayaw nitong mag-spoiler kung sino ang mang-aagaw ng asawa sa movie dahil mas maganda raw kung panoorin na lang.

    Kumislap ang mga mata ni Lovi nang tanungin kung totoong nililigawan siya ni Jake Cuenca at kung totoong siya ang rason kung bakit nasa premiere night ng Temptation Island ang actor. Naku, ’di kaya si Lovi na ang ipinalit ni Jake kay Melissa Ricks?

    “Siya na lang ang tanungin ninyo, I don’t want it to come from me. Basta friends kami. Magkakilala na kami sa Bench pa at mas naging close lang kami sa shooting ng My Neighbor’s Wife,” pahayag ni Lovi.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here