Lovi Poe at Rocco Nacino nasa ‘reset’ stage ang relationship

    363
    0
    SHARE

    WALA nang masyadong impact ang ginawang pag-amin ni Lovi Poe sa Startalk kahapon tungkol sa tunay na relasyon nila ng matagal nang nali-link sa kanyang actor na si Rocco Nacino.

    Kahit kasi kuntodo deny ang showbiz pair tungkol sa kanilang relasyon, iba naman ang nakikita sa kanila kaya walang maniwala na hindi nga sila mag-on. Tuwing iinterbyuhin naman, masyadong vague ang kanilang mga sagot.

    At one point, sinabi pa ni Rocco sa press na kung anuman ang namamagitan sa kanila ng dalaga ng nasirang movie king na si Fernando Poe Jr., gusto nilang panatiliing private.

    Si Lovi naman, sa isang interview, may binitawang nasa “reset” stage ang relationship nila ni Rocco, na kahit hindi gaanong klaro ang ibig sabihin, pilit na lang inintindi ng press.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here