Loveteams war in MMFF

    405
    0
    SHARE
    ANO kaya ang magiging respective roles nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa “My Bebe Love (#Kiligpamore)” na pagbibidahan nina Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas mula sa direksiyon ni Joey Javier Reyes? Magkikita na kaya ang dalawa ? May dialogue na siguro ang dalawa at magkakalapit na sila.

    Ayaw magbigay ng pahayag ang writer-director ng “My Bebe Love” na si Direk Joey kung ano ang magiging takbo ng istorya para abangan ng publiko. But one thing is sure, hindi lamang palamuti ang AlDub loveteam sa pelikula nina Vic at Ai-Ai kundi bahagi sila ng buong istorya from start to finish.

    Samantala, tiyak na magiging matindi ang labanan sa darating na Metro Manila Film Festival sa pagitan ng respective movies nina Vic at Ai-Ai with AlDub at nina Vice Ganda at Coco Martin with JaDine (nina James Reid at Nadine Lustre) with Alonzo Muhlach.

    Parehong mainit ngayon ang loveteam nina James at Nadine at lalong hindi magpapatalo ang AlDub loveteam.

    Ang No. 1 spot ang paglalabanan ng “My Bebe Love (#KiligPaMore)” nina Vic at Ai-Ai with AlDub at ang “Beauty and the Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin plus JaDine at Alonzo.

    Kung si Joey Javier Reyes ang director ng “My Bebe Love (#KiligPaMore)” nina Vic at Ai-Ai, ang consistent box office director namang si Wenn Deramas ang magdidirek ng “Beauty and the Bestie” nina Vice Ganda and Coco.

    Ang darating na MMFF ay hindi lamang magiging labanan ng TV network – GMA at ABS-CBN at nina Vic and Ai-Ai vs. Vice Ganda and Coco kundi magiging labanan din ito ng dalawang maiinit na loveteams ngayon – ang AlDub at JaDine loveteams.

    Mukhang magiging exciting ang darating na MMFF dahil sa magiging bakbakan ng magkahiwalay na pelikula ng mga top personalities.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here