Lovelife ni Kris Aquino paboritong pagtripan ng mga intrigera

    295
    0
    SHARE

    LAHAT NA naman ng kilos at suot ni Kris Aquino ay nabibigyan ng kahulugan. Nang isuot nito ang pendant ng letters J & B, marami ang nag-akalang James Yap at Bistek (Quezon City Mayor Herbert Bautista na nali-link sa kanya) ang ibig sabihin.

    Pero malinaw na Joshua and Bimby, pangalan ng mga anak ang ni-represent ng J & B sa kanyang pendant.

    Nang palitan ni Kris ng letter H ang pendant, inakalang para ’yun kay Mayor Herbert. Siguradong ’pag pinalitan ni Kris ng letter D ang pendant, iisiping para ’yun kay Derek Ramsay na nali-link din sa kanya ngayon.

    Anyway, natapos na ang pictorial ni Kris para sa May issue ng Yes! na kinunan sa bagong bahay nila sa Green Meadows.

    Habol pa sa issue ang 7th birthday celebration ni Bimby sa April 19, kung saan imbitado si James at pinaimbita rin ni Kris ang GF nitong si Mikaela Acazzola.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here