Dahil na rin sa kantiyawan ng mga kaibigan at nagmamahal ay nakumbinse ang young actress na mag-diet at mag-exercise para muling bumalik ang dating katawan na siyang kinabaliwanan sa kanyang nang unang sumabak sa showbiz.
Ngayon nagbalik na ang dating kaseksihan ay walang kiyeme na ipinasilip ni Louise ang katawan sa isang beach sa Batangas. Tatlong photo na nakasuot ng two-piece bikini ang ipinost ni Louise sa kanyang Instagram account.
Ang una ay nakatalikod siya at nakaharap sa dagat. Likod pa lang na naka-two piece bikini ay grabe na. Sabi nga ng mga barako, “likod pa lang ay ulam na.”
Ang isa naman photo ay naglalakad siya na suot pa rin ang two-piece bikini at ang huling photo ay nasa batuhan siya pero hindi na makikita ang kabuuan ng katawan dahil natatakpan ng mga bato.
Siyempre, natuwa ang kalalakihan sa suot na two-piece bikini ni Louise pero mayroon ding nangamba at sinabihan na huwag raw sana siyang malinya sa mga sexy role.
Aba, kung si Ina Raymundo na isa nang ina at may limang anak ay nagawa pang mag-pose ng seksi sa isang men’s magazine ay pinagkaguluhan. Mas lalo sigurong pagkakaguluhan ng mga barako kung si Louise delos Reyes ay mapapayag na mag-pose din ng super seksi sa isang men’s magazine.
Wala naman sigurong magbabawal ngayon kay Louise dahil ang alam namin ay loveless ang young star ng GMA 7.
Samantala, hindi rin nagpahuli sa pag-pose ng naka-two piece bikini ni Jessy Mendiola. Sa post din ni Jessy sa kanyang Instagram account ay makikita ito habang nasa batuhan ng isang beach resort.
Super seksi ang shot na ‘yun ni Jessy dahil kitang-kita ang kurba ng kanyang katawan.
Comment tuloy ng mga followers ni Jessy na bagay daw sa dalaga na maging kapalit ni Angel Locsin bilang Darna.