Pangarap din kasi ni Louise na maging lawyer. Ang magenroll kahit ilang units sa Law ang gusto niyang gawin ’pag magaan-gaan ang schedules niya. Gusto niyang maging criminal lawyer.
“May mga tao kasing hindi makapag-hire ng lawyer na magaling kaya natatalo sila. Gusto kong maging isang public attorney. Gusto ko ’yung… Kahit walang bayad kasi I am not after the money talaga. Tutulong ako. Gusto kong makatulong sa mga taong nahuhusgahan nang wala namang ginagawang masama!” pahayag ni Louise nang huli naming makausap.
Sa totoo lang, iyakin man sa TV ay may nagsasabing matapang si Louise. Matapang nga niyang hinarap ang babaing nagsasabing ina niya.
“Sabi nga nila, feisty ako! Actually, ang character ko talaga, ’yung mga taong nakakakilala sa akin, hindi ako… Actually mahirap akong paiyakin. Umiiyak lang ako ’pag family na,” rason niya.
“Gusto kong makilala nila na hindi lang ako iyak nang iyak. Hindi lang artista na puro drama lang. I can do other things. Hindi man ako kasing galing doon, I can learn. Gusto kong makilala bilang artista na marami ring kayang gawin bukod sa pag-iyak!” sabi pa ni Louise.
Sa ngayon, napapanood si Louise sa Pari ’Koy.