‘Longest Suman’ itinanghal

    584
    0
    SHARE
    STA. RITA, Pampanga—Matagumpay na naitanghal ang “kadena de suman o ang pinakamahabang suman sa bayang ito kahapon ng umaga, matapos ang pagsisimula ng taunang Simabang Gabi.

    Ang “kadena de suman” ay may kabuuang haba na 350metro o katumbas ng 5,000 mga suman na pinagdugtong-dugtong.

    Ayon kay Mayor Yolly Pineda, ito ay isa lamang preparasyon ng kanilang bayan upang sungkitin sa susunod na taon ang Guinness World Record para sa pinakamahabang suman sa kasaysayan.

    Tinawag na “kadena de suman” ang pinagdugtong-dugtong na suman bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga mamamayan ng Sta. Rita.

    Ayon kay Pineda, maituturing na isang promosyon ng mga produktong kakanin sa kanilang bayan upang makahikayat ng mga mamimili at turismo ang isinagawang presentasyon.

    Sinabi ng alkalde na umabot sa halos tatlong buwan ang preparasyon upang maitala ang 350 metrong kabuuang haba ng pinagdugtong-dugtong na suman na nilahukan ng sampung barangay sa bayan ng Sta. Rita.

    Matapos namang masukat ang kabuuang haba ng suman ay sinimulan na itong kainin ng may 5,000 residenteng sumaksi sa pagtatanghal.

    Karamihan sa mga sumaksi ay katatapos lamang dumalo sa unang araw ng taunang pagsasagawa ng Simbang Gabi bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng Pasko.

    Kaugnay nito, sinabi ni Pineda na umaasa silang masusungkit ang Guiness World Record para sa pinakamahabang suman.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here