Lolo nabundol ng tricycle, patay

    296
    0
    SHARE

    SAN FELIPE, Zambales – Patay habang ginagamot sa hospital ang isang lolo makaraan itong mabundol ng isang tricycle sa Sitio Caarosipan, Barangay Manglicmot kamakalawa ng umaga.

    Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jose Domaoal, 73,  residente ng Barangay Amagna ng nasabing bayan.

    Batay sa imbestigasyon ng San Felipe Police Station, papatawid sa National Highway sa Sitio Caarosipan ang biktima nang siya namang pagdating ng tricycle na minamaneho ni Bernardo Castillo ng Barangay Manglicmot at mahagip ang biktima.

    Ang biktima ay kaagad na dinala sa San Felipe Rural Health Center para mabigyan ng kaukulang lunas at inilipat ito sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City, subalit pagkaraan ng ilang minutong gamutan ay binawian ito ng buhay.

    Si Castillio ay nasa custody ng San Felipe PNP at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

    –Johnny R. Reblando

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here