Local adaptation ng Baker King

    260
    0
    SHARE
    Dahil na rin sa demand ng Shark fans nina Mark Neumann at Shaira Mae, mabilis silang ibinalik sa Baker King at magpa-pilot na ang Philippine adaptation ng Korean novela sa May19, 9:30 p.m.

    Gagampanan nila ang role nina Takgu at Sunshine, respectively.

    Parehong excited and happy sina Mark at Shaira sa bagong project nila sa TV5 dahil teleserye na ito, top rating pa sa Korea. Pero sa rami ng kanilang fans at suporta ng network,tiyak na hit ang Baker King.

    Dumaan sa baking workshop ang dalawa at ang ibang cast. Ipinagmalaki nilang marunong na silang gumawa ngpandesal, pan de coco at iba pang klase ng bread.

    Si Mark, may fighting workshop dahil marami siyang action scenes.

    Malakas ang chemistry nina Mark at Shaira, gusto nila ang isa’t isa, kaya lang, may BF nasi Shaira at kaibigan pa ni Mark.

    Ayaw manggulo ng relasyon ni Mark at ayaw ding manligaw, hinihintay yatang magingsingle si Shaira.

    Next week pa magti-taping sina Mark at Shaira at sabi ni Direk Mac Alejandre, magpapagawang bakery ang TV5 na gagamitin nilang location.

    Gagayahin nila ang Korea na nagpapatayo ng ginagamit sa taping para hindi na mag-rent.

    Sinagot ni Mark ang isyung may tampo si Vin Abrenica dahil feeling nito, napapabayaan siya ng TV5 at unang naipangako sa kanya ang Baker King. Sabi ni Mark, natutuwa siya na hindi sa kanya may tampo si Vin at ayaw mag-comment na ito ang unang kinonsider sa Baker King.

    Nilinaw naman ni Shaira na hindi ang BF niyang si Edgar Allan Guzman ang dinalaw nang makita siya sa ABS-CBN.

    Si Sharon Cuneta raw ang pinuntahan niya sa taping ng Your Face Sounds Familiar para bisitahin dahil naging friends sila noong nasa TV5 pa si Mega.

    “Last March pa nangyari ’yun, bakit ngayon lang inilabas na may bago kaming show ni Mark? Ang feeling ko tuloy, ginagamit ako,” sabi ni Shaira, na hindi nag-elaborate kung sino ang gumagamit sa kanya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here