Nakaka-proud naman ang karangalang tinamo ng ating mga artista sa katatapos lamang na first ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) na ginanap sa Kuching, Malaysia last March 30.
Naka-apat na awards ang Pilipinas and take note, puro major awards, kabilang na ang Best Actress na napanalunan ni Alessandra de Rossi for Santa Nina which also stars Coco Martin as the lead actor.
Ang veteran actress na si Anita Linda naman ang hinirang na Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa Sta. Nina at ang child actor na si Bugoy Cariño naman ang nag-uwi ng Best Supporting Actor for the movie Alagwa.
Ang Sta. Nina rin ang nanalong Best Drama Picture.
Sayang nga lang at hindi naiuwi ni Jericho Rosales ang Best Actor award. Nominado siya para sa Alagwa pero ang nanalo ay ang Malaysian actor na si Shaheizy Sam for Songlap.
Nevertheless, happy na si Echo who’s also Alagwa’s producer sa kanyang nomination at sa Best Supporting Actor ni Bugoy.
Sa kanyang Twitter account ay ipinahayag ni Echo ang kanyang pasasalamat.
Thank you for this memorable experience #AIFFA2013 ! We are truly honored! More power and God bless you all! See u nxt year!” tweet ni Echo.
Samantala, ayon naman sa publicist ng AIFFA na si kasamang Pilar Mateo, nagsisimula pa lang daw ang nasabing international filmfest awards and hopefully, sa pagdaraan ng mga taon ay lumaki na rin ito at makahanay sa mga malalaking international filmfest.
Congrats to our stars who made it at mabuhay ang Pilipinas!