Liza S, Enrique G kinakabahan

    421
    0
    SHARE
    Aminado si Liza Soberano na kinakabahan sila ni Enrique Gil sa outcome ng launching film nilang Just The Way You Are na showing na sa June 17. Siyempre, hindi raw nila alam kung susuportahan pa rin ng mga tao ang tambalan nila on big screen tulad ng pagsuporta sa kanila sa small screen sa Forevermore.

    “Siyempre, kinakabahan because people are going to pay to watch and siyempre, when they pay, gusto mo, sulit ’yung (bina-yad). Kahit ako, ’pag nano-nood ako ng movie, gusto ko, sulit ’yung binayaran ko.

    “So, gusto ko, ’yun din ang mararamdaman ng audience and sana, maraming manood para happy,” say ni Liza.

    Ano ba sa palagay nila ang reason kung bakit naging successful ang loveteam nila sa una pa lang nilang pagsasama sa Forevermore?

    “Nu’ng una,” sabi ni Enrique, “siyempre, natakot kami saka na-pressure kami. Kasi siyempre, si Direk Cathy (Garcia Mo-lina), time slot (primetime), ’yung laki ng teleserye, tapos, first actual team-up namin as a loveteam.

    “Nu’ng nagte-taping kami, parang wala kaming alam sa lahat kasi nasa bundok kami, sa Baguio, so ang layo namin sa lahat, so hindi namin alam kung ano ang reactions ng tao.

    “So, sabi lang namin, ‘basta, enjoy lang tayo.’ So, para kaming naging pamilya do’n, kasi kami lang do’n sa bundok, wala kaming ibang kasama.

    “So, siguro, dahil kami-kami lang do’n, feeling ko dahil sa bonding na ’yun, do’n kami naging close, everybody got to know each other more.

    “So, siguro, ’yung truthfulness dahil sa situation na ’yun, na-feel ng tao siguro.”

    Agree naman si Liza sa pananaw ni Quen.

    “All we wanted in the beginning was to have a great show, to be happy, and we were just enjoying what we were doing and the viewers felt that,” say ni Liza.

    Nagkasabay gawin nina Liza at Quen ang Forevermore at Just The Way You Are kaya naman nagkaroon ng conscious effort ang direktor na ibahin talaga ang mga karakter ng dalawang bida kaysa sa serye.

    Mas light daw ang Just The Way You Are but at the same time ay naroon pa rin ang kwento ng family and friendship na tipikal sa ating mga Pilipino.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here