Lito Lapid, makabagong NPA

    413
    0
    SHARE

    ANG PAGNANAIS at balaking pagtakbo
    ni Lapid sa pagka-‘city mayor’ mismo
    ng Angeles para ibaba sa puesto
    si Mayor Pamintuan, maaga masyado.

    Kung kaya maaring nasabi marahil
    ng ‘multi-awarded’ at ‘most outstanding
    city mayor’ na ang marapat isipin
    ni Lapid bago ang taong 2016

    Ay ang problema niya sa Senado mismo,
    na kung saan sangkot ang pangalan nito
    sa NABCOR,( na aywan lang kung sinu-sino
    ang iba pang suspect na taong gobyerno).

    Para ano upang kanyang madaliin
    ang pagpapahayag ng kanyang naisin
    na siya’y tatakbo ‘comes year 2016’
    gayong mahigit ‘two years’ pa ang bubunuhin

    Ni Lito Lapid sa pagiging Senador,
    (na kung saan siya ay itinuturong
    kasabwat sa isyu r’yan ng pandarambong
    sa “National Agri-Business Corporation?”)

    Bago isa-isip ang kanyang pagtakbo
    bilang ‘city dad’ at mapalitan nito
    ang isang Alkalde na nagtatrabaho
    at napakalinis ng pangungubyerno.

    At sa totoo lang, ayon sa ‘press release’
    na ipinalabas ‘from the mayor’s office,’
    ang anumang bagay hinggil sa politics
    ay ni hindi pa nga niya iniisip;

    Pagkat malayo pa para pag-usapan
    ang isang bagay na pupuede pa namang
    isantabi muna’t isaalang-alang
    ang kanyang tungkulin bilang ‘public servant’

    Na laang maglingkod para sa kasiyudad
    ng taos sa puso at may sinseridad,
    di gaya ng ibang ang laman ng utak
    sa panunungkulan ay puro pasarap.

    Kabilang sa tinututukan sa ngayon
    ni EdPam ay mga ‘infrastructure
    project’ na ‘on-going’ niya bilang mayor
    ay isa itong Plaza Anghel Construction;

    At itong kasabay na ‘widening of roads
    within the city limits’ mismo ng lungsod,
    na di ‘affected’ ang mga Angeleños,
    sa serbisyong dapat maipagkaloob

    Ng administrasyon ni Mayor Pamintuan
    na talaga naman ding maaasahan
    at laang maglingkod sa nasasakupan
    ng walang kapalit kundi tiwala niyan.

    Upang patuloy na mapagsilbihan niya
    ang kasiyudad hangga’t gusto pa rin siya,
    pero kagaya ng kanyang pinakita
    sa nakaraan ay ‘welcome’ daw sa kanya

    Ang sino pa mang tunay na Angeleño
    na nagnanais na maging mayor dito,
    gaya nang malimit na sabihin nito
    na ang kahit sino ay puedeng tumakbo

    Kung tunay naman ding mga ‘eligible’
    ay ‘welcome’ sa kanya dagdag pa ni Mayor;
    Aywan lang kung dito sa nag-aambisyong
    maging ‘next city dad’ ay posibleng ganun.

    Pagkat si Lapid ay ‘no permanent address,’
    at sumabak na rin sa ‘mayoralty race’
    sa Makati noong siya ay registered
    resident doon at ngayo’y sa Angeles

    Nakabili itong ‘actor-turned-governor,
    senator,’ at ngayon ay pagiging mayor
    ng naturang lungsod nina EdPam, Blueboy
    at ni Cong Tarzan ang target ni “Ka Leon?!”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here