Home Headlines Liquor ban lifted: Bawal pa rin ang inuman sa pampublikong lugar

Liquor ban lifted: Bawal pa rin ang inuman sa pampublikong lugar

6654
0
SHARE

SAN JOSE CITY Sa kabila ng pagtanggal sa liquor ban, bawal pa rin ang inuman sa pampublikong lugar dito.

Ito ang ipinaalala ni Nueva Ecija 2nd District board member Joseph Ortiz sa kanyang mga kababayan kaugnay ng pag-aalis ng liquor ban sa lungsod na ito sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine.

“Ito na ang matagal ninyong hinintay. Ubra na bumili at uminom  maliban sa pampublikong lugar,” ni Ortiz na dati ring miyembro ng sangguniang panlungsod.

Nitong May 4 ay ipinatupad ni Mayor Mario Salvador ang Executive Order No. 23 Series of 2020 (Lifting the ban on the sale and consumption of liquor, except its consumption in public places).

Batay sa paliwanag sa EO, ito ay ginawa alinsunod sa guidelines ng pamahalaang nasyunal kaugnay ng impementasyon ng liquor ban sa ilalim ng ECQ.

Binanggit nito na ang pagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak ay naunang ipinagbawal dahil sa ECQ sa bisa ng City Ordinance No. 20-017 na pinagtibay ng sangguniang panlungsod.

Sa gitna ito ng pagpapatupad ng health protocols, kabilang ang social distancing, bilang hakbang kontra sa paglaganap ng coronavirus disease.

“Whereas, the same legislative act grants the city mayor the authority to lift, modify, or suspend certain provisions provided therein,” saad ng EO ni Mayor Salvador.

Idinagdag nito na ipinabahala na ng pamahalaang nasyunal sa mga local na opisyal ang desisyon hinggil sa ilang bagay patungkol sa ECQ.

“Whereas, the national government delegated to the local chief executives certain latitude and discretion in enforcing acts that are either allowed or prohibited under the enhanced community quarantine,” sabi pa sa EO.

Marami naman ang natuwa sa desisyong ito, lalo na ang mga negosyante, dealer, retailer at maging maliliit na tindahan, ayon kay Ortiz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here