Home Headlines ‘Linis Barangay’ arangkada sa Ecija

‘Linis Barangay’ arangkada sa Ecija

1228
0
SHARE

Magkatuwang ang pulisya at komunidad sa paglilinis ng kapaligiran sa Nueva Ecija. Contributed photo.


 

LUNGSOD NG CABANATUAN Tiniyak ni Nueva Ecija police director Col. Jaime Santos na magpapatuloy at magiging regular na aktibidad ng kanilang hanay ang paglilinis sa ilang pangunahing lugar.

Ang pahayag ay ginawa ni Santos kaalinsabay sapaglulunsad ng BANGAYanihan Linis Barangay na kanya mismong pinangunahan sa Barangay Sangitan West ng lungsod na ito nitong Martes.

“We don’t treat it as an event. Ito ay talagang activity na,” ani Santos. 

Ang BARANGAYanihan Linis Barangay ay sabayang isinagawa ng lahat ng istasyon ng pulisya sa limanglungsod at 27 bayan ng Nueva Ecija, gayundin ng mga provincial mobile field companies sa ilalim ng provincial police office.

Ayon kay Santos, katuwang ng pulisya ang mga volunteer mula sa iba’t ibang barangay at ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo.

Layunin aniya nito na maisulong ang isa sa mga core values o ang pagiging makakalikasan ng PNP. Bahagi rin ito ng intensified cleanliness policy (ICP) ng pambansang pulisya at paglikha ng maigting na ugnayan sa komunidad.

The ICP of PNP chief Gen. Guillermo Eleazar focuses on the three key factors: cleanliness inside PNP offices, cleanliness with the ranks, and cleanliness in the community. The ICP aims to ensure that all deliverables would meet the standards of a true public servant,” ani Santos sa isang pahayag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here