Home Headlines Limited face-to-face classes umpisa na sa Mother of Good Counsel Seminary 

Limited face-to-face classes umpisa na sa Mother of Good Counsel Seminary 

700
0
SHARE

Siniguro ng pamunuan ng Mother of Good Counsel Seminary na nakasusunod sila sa health protocols sa pagbabalik sa face-to-face classes partikular ng kanilang senior high school habang hinihintay naman nila ang approval ng DeEd sa junior high school. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Nagsimula nitong Lunes ang limited face-to-face classes ng senior high school sa Mother of Good Counsel Seminary sa Barangay Del Pilar dito.

Ayon kay Danilo Malanque, school principal, bago ang pagsisimula ng klase ay sumailalim muna ang lahat ng estudyante, mga guro, at school personnel ng antigen test at negatibo ang lahat sa Covid-19.

Aniya, pinayagan na sila ng Department of Education sa maximum capacity ng 20 estudyante kada classroom.

Ang bawat upuan ay may distansiya na hindi bababa sa isang metro at may plastic barrier sa pagitan ng guro at mga estudyante. Habang nagkaklase ay may suot ang mga ito ng face mask.

Ang lahat ng mga guro ay bakunado na at may mga estudyante din na fully vaccinated na habang ang ilan ay nakakaisang dose pa lang.

Ang 100 porsiyento ng mga estudyante at 85 porsiyento ng mga guro ay mananatili sa paaralan o stay-in sa loob ng seminaryo.

Sa dormitory mananatili ang mga estudyante kapag walang klase.

Sa mga magbabago ang isip sa face-to-face classes ay maaari naman na umuwi ng bahay at ipagpatuloy ang blended learning na modular at online.

Ang Grade 12 ay may 19 na estudyante habang ang Grade 11 na may siyam na estudyante na mananatili sa loob ng paaralan hanggang sa Dec. 10 Christmas vacation.

Muli silang sasalang sa antigen test pagbabalik ng klase sa susunod na buwan.

Samantalang ang junior high ay hinihintay pa ang go signal ng DepEd kung papayagan na ang mga ito ng face to face.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here