Halos kumpirmado nang lilipat na sa TV5 si Sharon Cuneta sa 2012.
Sa interview kay Sharon, walang pag-amin o denial mula sa kanya kung talagang iiwan na nga niya ang Dos.
Sa Wil Time Bigtime naman ni Willie Revillame, lagi nitong binabanggit na lahat na yata ng may “star” lilipat na sa TV5.
Nabanggit niya si Superstar Nora Aunor, Diamond Star Maricel Soriano at si Megastar daw, malapit-lapit na. Sa January ang expiration ng contract ni Sharon sa ABS-CBN at wala naman daw siyang existing program na maiiwan.
Ang Christmas special nga raw niyang Sharon at Home, ayon sa aming source, nag-last taping na noong Nov. 5, na inieere sa Lifestyle Network, ang cable channel ng ABS-CBN, sa Dec. 17.
Kuwento ng source via text message, natapos ang taping ng hindi binabanggit ng mga staff na iyon na ang huling taping day nila.
Ang naging rason daw kung bakit tinapos na ang show ay dahil lilipat na nga ang Megastar sa TV5.
Hindi naman daw nagkuwento si Sharon ng detalye tungkol sa napapabalitang paglipat.
Subalit naging maganda daw ang paghihiwalay nila ng mga staff, na masaya pang nagpa-picture sa Megastar.
Sa kasalukuyan ay wala ng existing program ang Megastar sa Kapamilya network.
Sa klase ng management team na nakapalibot kay Sharon kung ano ang direksyon ng kanyang career sa ngayon, maqlianw na paalis na nga siya sa ABS-CBN.
At sa ngayon nga raw ay co-managed na si Sharon ng dalawang tao.
Isa ay ang matagal na niyang manager, ang well-liked at professional na si Sandra Chavez.
At ang pangalawa ay ang taong naggiya sa career ni Sharon nuong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz—si Vic "Boss Vic" del Rosario ng Viva Entertainment Inc.
At dahil daw malapít si Boss Vic sa TV 5—ito ang nagdala kay Willie Revillame sa Kapatid channel matapos iwanan ni Willie ang Kapamilya channel—hindi malayong lumipat na roon ang Megastar.
So there!