Conflicting ang mga balita tungkol sa ‘di umano’y paglipat ni Angel Locsin mula sa ABS papuntang Viva Films.
Marami tuloy ang nagkokomentong kung lilipat si Angel sa ABS ay suicide lang ito dahil ‘di na naman active ang |Viva Films sa paggawa ng pelikula. Kumbaga, Angel might end up as a frozen delight sakaling gawin nga niya ang paglipat sa produksyon ng mga Del Rosario.
Hindi raw kasi tinupad ng ABS ang pangakong bibigyan agad si Angel ng isang pelikula kung kaya nag-aalburoto nga si Angel.
Isa pang itinuturong dahilan ay baka susunod lang si Angel sa mga kasamahan sa kuwadra ni Becky dahil dalawa rito ay nasa Viva Films na.
Samantala, itinanggi ni Becky Aguila, manager ni Angel Locsin, ang napabalitang paglipat ng young actress sa Viva Films at ang ‘diumano’y pakikipag-meeting nito sa Viva execs nang hindi niya nalalaman. Natawa na lang si Becky sa tsismis na aniya, hindi niya alam kung saan nanggaling.
Nilinaw ng talent manager na mananatiling Kapamilya si Angel. In fact, may bago itong show sa ABS-CBN na lalabas ngayong October. “It’s something new and we’re all excited na tinanggap niya ito,” sabi ni Tita Becky sa text message sa amin.
Nakaplano na rin daw ang mga pelikulang gagawin ni Angel sa Star Cinema at tuloy na tuloy pa rin daw ang movie nito with Aga Muhlach, pero baka January na maumpisahan since may ginagawa nga ang aktor with Regine Velasquez.
Ang next soap naman ni Angel ay baka sa first quarter of 2010 pa raw mapanood kaya abangan lang ng fans ng dalaga. Ito ay pagpapatunay lamang na hindi totoo ang balitang lilipat na si Angel sa Viva Films.
Anyway, sa ngayon ay abalang-abala pa rin si Angel sa pagtulong sa mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.
Katunayan, nag-organize pa ito ng proyekto kasama ang iba pang kasamahang artista, ang Shop and Share, kung saan ay nagsusubasta sila ng kanilang designer items at ang proceeds ay mapupunta sa Philippine National Red Cross.
“She’s so busy with her charitable projects at kakaibang happiness and fulfillment ang nararamdaman niya kapag nakakapagbigay siya ng tulong,” sabi pa ni Becky Aguila.