Home Headlines Liga ng mga barangay, ULAP at PACC, nagkaisa para wakasan ang kurapsyon

Liga ng mga barangay, ULAP at PACC, nagkaisa para wakasan ang kurapsyon

792
0
SHARE

Lumagda sa Manifesto at Pledge of Cooperation and Oath of Honesty sina PACC Chairman Greco Belgica, Liga National President Eden Chua-Pineda, ULAP President and Quirino Governor Dakila Cua at DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño kontra korapsyon.


Bilang pagtugon sa layunin ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wakasan ang kurapsyon ay patuloy ang pagsusulong ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng programang: “Kasangga, Tokhang Laban sa Korapsyon.”na humihiling ng pakikiisa ng lahat ng mga ahensya sa bansa kontra katiwalian.

Nakiisa sa hamon ng PACC ang Liga ng mga Barangay at Union of Local Government Authorities habang naroon pa rin ang pagsuporta ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Lumagda ang nasabing mga samahan ng mga lokal na opisyal nitong Lunes sa Manifesto at Pledge of Cooperation and Oath of Honesty sa pangunguna ni PACC Chairman Greco Belgica, Liga National President Eden Chua-Pineda, ULAP President and Quirino Governor Dakila Cua, ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica at DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño na ginanap sa tanggapan ng ARTA.

Ayon sa Liga ng mga Barangay at sa ULAP, kaisa sila sa layunin na wakasan ang katiwalian sa nalalabing panahon ng kasalukuyang administrasyon.

Nagpaalala dito si PACC Chairman Greco Belgica, na “Public Office is a Public Trust” na ang paninilbihan sa gobyerno ay isa lamang prebilehiyo at kaakibat nito ang pagiging tapat sa sinumpaang tungkulin at tapat sa mamamayan.

Bilang pinuno aniya ng PACC ay nais niyang bigyang diin ang pangako ng Pangulong Duterte na supilin ang lahat ng uri ng korapsyon at pagmamalabis sa pwesto sa buong pamahalaan lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa krisis ng kalusugan dahil sa pandemya.

Kaugnay sa direktiba ng Pangulo ay naglatag sila ng Road Map 2022 gaya ng: PACC Internal Reforms na naglalayong pabilisin ang proseso sa pamamagitan ng Automation at Streamlining of Rules in the Disposition of Cases; ang pagtatalaga ng Information and Resource Management Office na siyang magiging tulay ng PACC sa lahat ng kagawaran at ahensya sa ilalim ng punong ehekutibo; pagtatayo ng command centers sa lahat ng opisina ng gobyerno upang tumulong mag-monitor at validate ng mga report.

Ipinangako ni Belgica sa publiko na patuloy silang magsusulong ng mga serye ng manifesto signing sa lahat ng ahensya ng pamahalaan para masiguro sa publiko na ang pondo ng gobyerno ay nagugugol ng maayos at tama.

Samantala, ito na ang ika-siyam na manifesto signing na nagawa ng PACC at nauna ng lumagda sa programang “Kasangga, Tokhang Laban sa Korapsyon” ang Department of Health (DOH), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Transportation (DOTr) at National Youth Commission (NYC) at Department of Natural Resources (DENR).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here