Home Headlines Liga ng mga alkalde maghahain ng protesta kontra RFID

Liga ng mga alkalde maghahain ng protesta kontra RFID

954
0
SHARE

Si Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz, jr. pangulo ng LMPBulacan habang ipinapaliwanag Sa media ang kanyang posisyon laban sa palpak na sistema ng RFID. Kuha ni Rommel Ramos



GUIGUINTO, Bulacan — Nakahandang maghain ng protesta ang liga ng mga alkalde sa Bulacan bilang pagsuporta kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa hakbang nito kontra sa palpak na sistema ng pagpapatupad ng RFID system ng North Luzon Expressway.

Ayon kay Mayor Ambrosio Cruz, Jr., presidente ng League of Municipalities of the Philippines-Bulacan Chapter, marami silang natatanggap na reklamo dahil sa depektibong pagpapatupad ng RFID ng NLEX.

Nakikipag-ugnayan na siya mismo sa pamunuan ng NLEX dahil sa insidente ng umabot na sa limang kilometro ang bigat ng trapiko sa kanilang lugar dahil sa depektibong RFID system ngunit ang palagiang sagot lamang daw ng NLEX ay ginagawan na ito ng paraan.

Aniya, bilang pagsuporta kay Gatchalian ay maghahain ng protesta ang liga ng mga alkalde sa lalawigan dahil bilang mga lingkod-bayan aniya ay dapat nilangprotektahan ang interes ng mamamayan.

Kapag hindi aniya gagawan ng solusyon ng NLEX at Toll Regulatory Board ang problema ay posibleng mapilitan na rin sila na ipatigil ang operasyon ng RFID sa kanilang lugar.

Ngunit sa ngayon, ani Cruz, ay maghihintay muna sila ng resulta ng mga pag-uusap sa pagitan ng NLEX management, TRB at mga LGUs kung paano ito masosolusyunan.

Kung si Cruz ang tatanungin ay dapat na bigyan pa ng insentibo o discount ng NLEX ang mga motorista na bumibili ng RFID.

Kung nagkakahalaga kasi aniya ng P1,000 ang isang RFID para sa 500,000 na bilang ng mga motorista ay katumbas ito ng P500 million na pera na hawak ng NLEX.

Kung may discount ay maari aniyang maingganyo ang publiko na bumili ng RFID.

Para kay Cruz, mali ang ginawa ng NLEX na pwersahin na isara ang cash transactions para mapilitan na bumili ng RFID ang mga motorista.

Samantala, binigyang linaw ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na hindi pagpapasara ang kanyang posisyon sa naturang usapin kundi ay dapat na iimprove ng NLEX ang sistema ng RFID.

Ani Fernando, noon pa man ay sinasabi na niya na mabagal at urong-sulong ang mga sasakyan dahil sa depektibong RFID system.

Dapat aniya ay ma-improve ito ng NLEX dahil papasok na ang development sa lalawigan lalo na ang itatayong airport sa bayan ng Bulakan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here