Kung ito ay ‘Municipal Engineer’ lang
Sa isang ‘3rd class’ na munisipyo lamang,
At ang buwanang sahod nito’y wala pang
Treynta mil pesos at di liping mayaman,
Pero tatlo ang kanyang sasakyan ngayon,
Na di lamang daang libo kundi milyon
Ang presyo ng bawat isa sa tatlong ‘yon;
At ang bahay niya animo ay mansion;
Bukod sa isa pa na kagagawa lang
Sa karatig lote ng una niyang bahay,
Puera sa iba pang pinagyayabang n’yan
Na aniya’y plano niyang ipatayo rin d’yan,
Kapag na-‘released’ na umano ang perang
Kusang ini-alok yatang ipautang
Ng ‘PAG-IBIG,’ at ito ay huhulugan
Niya ng ‘fifty thousand pesos’ kada buwan;
Ay saan kukunin ni Sir ang pang-hulog
O ang pambayad niya na dumoble halos
Sa ‘monthly salary’ nitong kakarampot,
Kumpara sa kanyang marangyang pag-gastos?
Kung wala ng ibang “pagkakakitaan”
Itong si ‘Engineer’ sa kapasidad n’yan
Bilang isang Inhinyero Municipal,
Sa anong bagay na posibleng iligal?
Gaya ng ‘price padding’ at ‘ghost deliveries’
Ng mga ‘construction materials’ o gamit
Na pupuedeng patungan ng sampung ulit
Ang presyo n’yan pati sa ‘official receipt’
At kahit ni walang gamit na natanggap
Para sa anumang ‘project’ ang kasabwat,
Pagpirma nito ay pera na kaagad
Kung kaya’t madaling kumita ng limpak?
Tulad na lang halimbawa ng ‘covered court’
Na diumano’y sampung milyon ang inabot,
But compared with others (COA men take a look)
Kasama na pati ang magarang bakod,
Ay wala pang tatlong milyon ang nagastos!
Partikular na ang pinagawa noon
Ni Gob Ed Panlilio at ni Congressman Dong,
Kung saan tunay namang di nagkaroon
Ng ‘hokus-pokus’ ang kina Dong at Among.
Di ko sinasabing ang ipinambili
Nitong ating ‘subject,’ ng kanyang ‘property’
Ay kupit mula sa ‘project’ na nasabi;
Pero di lalayo sa puntong posible.
Lalo’t si Sir yata’y minsan nang nasangkot
Sa kung anong kaso na ‘still unresolved’
Sa Ombudsman hanggang tuluyang matapos
Ang ‘terms of office’ ng iba pang kasangkot.
Kaya’t di malayong ang ‘subject’ po natin
Ay taglay pa nito ang minanang galing
Sa ibang Alkalde na nakasuhan din
Ng kung anong hindi marapat gayahin.
Sa puntong naturan, kung sadyang hindi pa .
Absuwelto sa kaso o “still pending’ pa
Sa Ombudsman itong kaso ng iba pa,
Partikular na ang nakaposisyon pa;
Aba’y marapat na kumilos ang COA
O ang alin pa man pong ating ahensya
Upang ang ‘lifestyle’ nila’y marebisa,
Base sa ‘unexplained wealth’ ng marami pa.
Upang sa ganoon ay di pamarisan
Nitong iba pang nasa pamahalaan,
Ang buwayang kati sa ating lipunan,
Na nagpapasasa sa Kaban ng Bayan!