Lider ng robbery gang, kritikal sa pamamaril

    348
    0
    SHARE

    RIZAL, Nueva Ecija – Tinututukan ngayon ng pulisya ang anggulong double-cross sa pamamaril sa isang hinihinalang lider ng grupo ng magnanakaw sa Sitio Kaipilan, Barangay Poblacion West ng bayang ito noong Martes.

    Ang biktima na nakilalang si Benjamin Hipolito, 51, lider umano ng grupo na nagnakaw ng walong  unit ng computer sa Ganduz National High School (GNHS), Barangay Ganduz, Pantabangan, Nueva Ecija noong ika-25 ng Marso, 2012, ay kasalakuyang ginagamot sa isang ospital sa Lungsod ng Cabanatuan.

    Sa ulat ni Chief Insp. Arnel Santiago, hepe ng Rizal police, bandang alas 11:00 ng gabi noong Lunes ng maganap ang pamamaril.

    Kuwento ng biktima, natutulog ang biktima, kasama ang isang 15-anyos na anak na lalaki, nang makaramdam sila ng yabag ng hinihinalang dalawang lalaki.

    Nang tingnan niya umano ang mga ito ay nakabonet at bigla na lamang siyang binaril at tinamaan sa likurang bahagi ng kanyang kawan. Hindi na tumama ang sunod-sunod na putok na pinakawalan pa ng mga suspek, batay sa imbestigasyon.

    Hindi naman sinaktan ang binatilyo, ayon sa ulat ng pulisya.

    Sa follow-up investigation, Ayon kay Santiago, ay lumilitaw na si Hipolito ay sangkot sa serye n nakawan sa kanilang lugar at mga kalapit bayan.

    “The possible motive was double cross among members of the group,” ulat ni Santiago. Tuloy-tuloy pa rin aniya ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here