Home Headlines Libreng tuli sa 80 kabataan

Libreng tuli sa 80 kabataan

1415
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija – May kabuuang 80 kabataan ang nakinabang sa
Operation Libreng Tuli na itinaguyod ng isang samahang sibiko sa Barangay
Calipahan ng bayang ito nitong Sabado.

Ayon kay Lady Eagle Police Major Jacquiline Gahid, ang aktibidad ay
isinakatuparan ng Clark Nueva Ecija Eagles Club (CNEEC) of Cabanatuan na
pinamumunuan ni Atty. Angelito Adriano bilang presidente.

Naging katuwang ng CNEEC ang Talavera General Hospital sa naturamg proyekto.
Ayon kay Gahid, napagpasyahan mg kanilang samahan ang Operation Libreng Tuli
dahil ito ay isa sa mga pangunahing inaasahan mg mga kabataang lalaki na
isinasagawa tuwing bakasyon.

Napapanahon lang aniya na ang pasukan ay magsisimula sa buwan mg Agosto
alinsunod sa kalendaryo ng Department of Education.

Kapansin-pansin rin ang suporta ng mga nanay na sinamahan pa ang kanilang mga
anak, ani Gahid. 

"Very supportive ang parents lalo at pandemic at ibinaba sa barangay ang
serbisyo," aniya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here