Itong kusang loob na pagboluntaryo
Ng ‘federation of operators’ mismo
Ng maliliit na nagku-quarry dito
Para makatulong sa ating gobyerno
Sa pag-desilt nitong bahagi ng ilog
Malapit sa dike na pinakabuntot
Ng ‘main dike’ na siyang pinaka-alulod
Ng tubig-ulan na pababa ng bundok
Na nagresulta sa paguho at sukat
Ng ‘tail dike’ malapit sa may Sto. Tomas
Dala ng ragasa ng napakalakas
Na agos – dulot ng ulan ng Habagat.
Kung saan binaha ang capital city,
Ang nasabing bayan at karatig pati,
Partikular itong malapit sa tabi
Mismo ng nasirang ‘tail dike’ na nasabi.
Kaya itong kusang pag-alok ng tulong
Ng ‘federation of quarry operators,’
Ay nagsilbing isang mabisang solusyon
Kay ‘Nanay’ para sa pagnanais nitong
Maipagawa niya agad ang nasirang
Bahagi ng ‘tail dike’ upang itong bayan
Ng Macabebe, Masantol at iba pang
Karatig lugar na binaha rin naman
Ay di na pamuling danasin ang tulad
Nitong ilang araw na nakalilipas,
Na nang dahil lang sa ulan ng Habagat,
Inanod ang parte ng dikeng nawasak.
Kung saan pati City of San Fernando
Ay naapektuhan sa pag-guho nito,
Dahilan na rin sa imbes dumiretso
Ang tubig sa ilog ng Pasig-Potrero
O sa Labuan river para tuloy-tuloy
Ang tubig ulan sa matuling pagdaloy
Patungo ng dagat – ito’y sa San Simon,
Sto. Tomas, Apalit at Minalin town
Dumaloy at naging sanhi ng pagbaha
Ng nasabing bayan, at di lang pinsala
Sa kabuhayan ang lubos nasalanta,
Kundi pati na ang serbisyong pangmadla.
Kaya kung talagang seryoso ang grupo
Ng ‘federation’ yan sa pagboluntaryo
Nilang makatulong sa ating gobyerno,
Ngayon pa lang nakatitiyak na tayo
Na di na muli pang babaha ng ganyan
Kalaki sa mga nabanggit na bayan,
Sa susunod na pagsapit ng tag-ulan
Kapag na-desilt ang ilog na naturan.
Sinasabing ito ay ‘genuine partnership’
of the private sector’ at ng ating province;
At sana hanggang sa matapos ma-desilt,
Ay walang milagrong di kanais-nais
Na maaring pagmulan ng negatibong
Bagay na maaring ‘setback’ sa Capitol,
Dahilan na rin nitong yan ay di malayong
May ‘negative effect’ sa ilang situasyon.
(‘At no expense to the province’ diumano,
Pati ‘equipment’ na gagamitin dito;
Kaya lang ano ang posibleng probetso
Nila sa pagbigay ng libreng serbisyo?)