LUNGSOD NG MALOLOS – Nakahandang magbigay ng libreng pagsasanay ang Technical Education Skills and Development Authority (Tesda) para sa mga napauwing overseas Filipino workers (OFWs).
Ito ang alok ni Joel Villanueva, director general ng TESDA para mga OFWs na napauwi partikular na sa mga galing ng Ehipto sa Gitnang Silangan at Libya sa Hilagang Aprika.
“Nagpalabas na ako ng utos sa lahat ng Tesda centers at mga accredited schools para sa re-training at re-tooling ng mga OFWs na pinauwi dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar na pinagtatrabauhan,” ani Villanueva.
Si Villanueva ay nagmula sa bayan ng Bocaue at tatlong beses na naglingkod sa Kongreso bilang kinatawan ng Citizen Battle Against Corruption (Cibac) Party list.
Siya ay bumisita sa Bulacan noong Huwebes, Marso 3 bilang panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos ng mga Bulakenyong sumailalim sa Training for Work Scholarship Program (TWSP) ng Tesda.
Ayon kay Villanueva, isang magandang pagkakataon ang iniaalok nila sa mga OFWs upang madagdagan ang kanilang kasanayan.
“It’s a free re-training and re-tooling program for OFWs. We suggest that they take advantage of it,” ani ng Tesda director general.
Sinabi din ni Villanueva na kailangan lamang ipakita ng mga napauwing OFWs ang kanilang passport o driver’s license upang maging bahagi ng kanilang libreng programa.
Dahil sa mga kaguluhan at trahedya sa ibayong dagat, itinanong din ng Punto kay Villanueva kung saan maaaring magtrabaho ang mga mag-aaral na sumailalim sa mga pagsasanay ng Tesda.
Aniya, marami pa ring bansa ang nananatiling tahimik at ligtas para sa mga manggagawang Pilipino, ngunit iginiit niya na dumarami din ang mga oportunidad sa mga Pilipino sa sariling bansa.
Kabilang dito ay ang pagtatayo ng $25-bilyong pasilidad para sa industriya ng Business Process Outsourcing (BPO), kung saan ay tiyak na libo-libong call center agents ang mabibigyan ng trabaho.
“The BPO industry will need more call center agents in the country,” ani Villanueva at sinabing ang marami sa call center agents sa bansa ay dumaan sa pagsasanay ng Tesda dahil maraming technical schools sa bansa na nagbibigay ng katulad na pagsasanay ay nasa ilalim ng paggabay ng Tesda.
Ayon pa kay Villanueva, ang bansang India ang nanatiling nangunguna sa industriya ng BPO sa mundo, ngunit ang Pilipinas naman ang itinuturing na may pinakamaraming call center agents.
Ito ay dahil sa ang India ay ang may pinakamalalaking kumpanya ng BPO samantalang ang Pilipinas ay patuloy sa pagsasanay ng mga call center agents.