Home Opinion Libreng pag-angkat solusyon nga kaya?

Libreng pag-angkat solusyon nga kaya?

545
0
SHARE

TAMA lang at sadyang napapanahon na
ang planong pag-angkat ng bigas na mura
sa ibang bansa upang itong kartelista
ng nasabing butil tuluyang mabura

At di na magawa r’yan ng malalaking
kapitalista ng bigas dito sa ‘tin
na itago nila’t makayang kontrolin
ang presyo nitong ‘prime commodity’ natin.

Bagama’t sa isang banda itong sector
ng mga ‘farmers’ at saka ‘millers’ itong
posibleng umangal bunsod na rin nitong
ang kanila ang di maibenta ngayon.

At di na kikita kapagka’ nawalan
na sila ng ‘buyers’ sa ‘stock’ na palay,
kung saan at paano maibenta n’yan
ang kanila kapag ‘yan ang nangibabaw.

At natural lamang na bababang tiyak
ang presyo ng palay na ani ng lahat
nitong mga ‘farmers’ kung murang di hamak
itong galing ‘abroad’ – antimano bigas.

Sa puntong nasabi ay kinakailangan
din naman marahil ng pamahalaan
na magtakda rin ng tamang panuntunan
sa pag-angkat nila’t pagbenta rin naman.

At ito ‘y maari lamang nilang gawin
kapagka nasira ang palay na tanim
ng mga lokal na magsasaka natin,
at di sa lahat ng panahon gagawin.

At kung saan syempre di rin naman basta
sa lahat ng oras, ang kapitalista
ay puedeng umangkat ng bigas kumbaga
kung wala rin naman ding ‘shortage’ talaga.

At sana naman ang mababait nating
‘importers’ at mga ‘3rd persons’ ay di rin
naman maging suwapang at ubod ng galing,
na salamangkero at magdidiral din.

Upang sa ganoon ay mapanatili
ang kalagayan ng mas nakararami,
at kung saan din ay magiging estable,
ang katatagan nitong bansa parati.

At di tulad ngayon na itong presyo nga
ng bigas dito sa ating Inangbansa
ay talaga naman ding nakalulula
pagkat ang pagitan ay langit at lupa.

Aywan kung paano pa nakakakain
ng tatlong beses sa maghapon ang ating
‘poorest of the poor’ na kababayan natin,
at ang mga libu-libong ‘unemployed’ din.

(Na gusto man nilang magka-hanapbuhay
ay wala rin naman silang mapasukan;
dala nitong kahit sila’y magkarun man,
‘endo’ rin matapos ang anim na buwan.

Aywan lang kung bakit ang ating Pangulo
ay kampante lang din sa naturang punto
gayong ipinangakong bubuwagin ito,
oras na maupo siya sa Palasyo.

Sana mabigyan na ng matamang pansin
ni Pangulong Digong sa lalong madaling
panahon upang ang ‘labor sectors’ natin
makalag sa gapos ng pang-aalipin!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here