LUNGSOD ng Balanga: Sinimulan na ang pamamahagi sa mga kabataang mag-aaral sa Bataan ng mga libreng laptops, mesa at silya.
Sinabi ni Gov. Jose Enrique Garcia III na ito ay malaking tulong sa pag-aaral ng mga kabataan at iba pang makabuluhang gawain.
Ang mga kagamitang ito ay maaaring ilagay sa kanilang mga Teen Information Centers (TICs) upang mas mapalawak ang kaalaman at oportunidad sa pag-unlad ng mga kabataan sa bawat bayan, pahayag ng governor.
“Nakapaghatid na tayo ng mga nasabing kagamitan sa mga bayan ng Pilar, Morong, Mariveles, at Samal. Abangan lamang po ang aming pagbisita sa inyong mga bayan para sa susunod na pamamahagi,” sabi ni Garcia.