Libreng gupit sinimulan sa Samal

    375
    0
    SHARE
    SAMAL, Bataan – Dahil sa kahirapan ng buhay, sinamantala at dinumog ng mga bata at matanda, babae at lalaki ang programang “Libreng Gupit” na inilunsad ng isang grupo ng mga bakla na sinimulan ngayong Miyerkules sa Barangay Sta. Lucia, isang barangay ng mga magsasaka dito.

    Ayon kay Angel de Jesus, tagapagsalita ng Haircutters of Samal, ang programa ay sa kanilang pakikipagtulungan kay Samal Mayor Rolly Tigas “upang maging malinis tingnan ang mga tao sa barangay at tuloy makatulong na makabawas sa gastusin ang mga pamilya.”

    Alas-dos pa lamang ng hapon ay may 119 na ang nagugupitan.  Ang “libreng Gupit” ay sinimulan ng alas-8:30 ng umaga at magtatapos ng Alas-4:30 sa Sta. Lucia.

    Kinabukasan at sa susunod na mga araw ay sa ibang barangay naman manggugupit hanggang sa makumpleto ang 14 na barangay sa Samal.

    Tila walang mga pagod ang mga manggugupit habang masaya rin naman ang kanilang mga ginugupitan na nakalibre ng halagang P40 hanggang P50 na karaniwang bayad sa pagupit sa Samal.

    “Mahirap humanap ng pera ngayon kaya sinamantala ko na itong libreng gupit,” sabi ng isang matandang babaing biyuda.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here