Home Headlines Libreng bibingka, puto bumbong matapos Simbang Gabi

Libreng bibingka, puto bumbong matapos Simbang Gabi

568
0
SHARE
Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary. Kuha ni Ernie Esconde

ORANI, Bataan — Libre ang bibingka at puto bumbong matapos ang Banal na Misa sa Simbang Gabi sa ikalimang gabi na nitong Martes sa Minor Basilica and Shrine Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary sa Orani, Bataan.

Puno ang Orani Church ng mga mananampalataya na pati sa iba-ibang pasukan ay maraming nagsisimba.

Mahaba ang pila sa isang bahagi ng compound ng simbahan ng mga nais makatikim ng masarap na bibingka na gawa sa galapong at puto bumbong na may tsaa.

Ang libreng bibingka at puto bumbong ay sa kagandahang-loob ni Jon Arizapa, isang matagumpay na negosyante sa Orani. Patuloy ang pamamahagi nito hanggang siyam na araw ng Simbang Gabi.

Mahabang pila sa libreng bibingka at puto bumbong matapos ang Misa. Kuha ni Ernie Esconde

Hindi lamang tiyan at panlasa ang masisiyahan sa mga nagsisimba sa Orani basilica kundi pati na rin ang kanilang paningin at pakiramdam dahil sa kakit-akit na Christmas decoration ng simbahan at ng kaharap na plaza.

Idagdag pa rito ang ang magandang laman ng mga homily tungkol sa Pasko mula sa pari na lalong nagpapalapit sa Diyos ng mga nagsisimba.

Isang tila malaking Holy Rosary na hinugis mula sa Christmas lights ang kapansin-pansin sa itaas sa harap na bahagi ng simbahan.

Matatanaw ang Orani municipal hall na hitik sa mga Christmas lights samantalang ang plaza na may maliit ngunit kaakit-akit na fountain ay naggandahan ang mga Christmas decor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here