Libong mga piniratang DVDs, CDs kinumpiska

    317
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Humigit kumulang sa 1,000 na piniratang (pirated) DVDs at CDs ang kinumpiska ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) at Olongapo City Police Office(OCPO) sa isinagawang magkakasabay na pagsalakay sa Pamilihang Lungsod at Mall, dito.

    Pinangunahan ang pagsalay nina OMB Chairman Ronnie Rickets, Senior Supt. Christopher Tambungan (OCPO director) at Inspector Gerald Fernandez (Station 3 Commander) ang pagsalakay sa Pamilihang Lungsod kung saan talamak ang bentahan ng piniratang DVDs at CDs.

    Ganundin sa Green Hills Lane Mall na matatagpuan sa kanto ng Magsaysay drive at Gordon Avenue at mga bangketa.

    Sinabi ni Ronnie Rickets na marami ng reklamo ang kanyang natatanggap kung kaya panahon na para malinis ito.

    Siya na mismo ang sumama sa Olongapo para manguna sa raid at para na rin paliwanagan ang mga muslim na nagtitinda nito.

    Ayon pa kay Rickets, ito na ang pangatlong pagsalakay sa Green Lane Mall at ipinaliwanag nito sa Administrador ng gusali na na may “liability” ito bilang nagpapaupa.

    Malaki naman ang naging pasasalamat ni Tambungan kay Rickets. Aniya, kung sila lang ang magpapatupad ay aakusahan lamang sila (mga tindero) na nagongotong ang naghaharass sa kanilang paninda.

    Umaasa naman si Rickets na mababawasan na ang pagtitinda sa lungsod ng mga piniratang DVDs at CDs dahil sa lalo pang pinaigting na kampanya ng OMB hinggil dito.

    Bibigyan na rin ng OMB ng deputation order si  Tambungan at ilang tauhan ng Olongapo PNP  na siyang magpapatupad sa nasabing kautusan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here