Libo-libong deboto, dumagsa sa Obando fertility festival

    1006
    0
    SHARE
    OBANDO, Bulacan—Gusto mo bang magkaanak?  Magsayaw tayo sa Obando.

    Ito ang karaniwang dahilan kung bakit dumarayo ang mga deboto sa tatlong araw na piyesta ng bayang ito, dahil sa paniniwalang kapag sumali siya sa pag-indak sa kalye, ay pagbibigyan ni Sta. Clara de Asissi ang kanilang kahilingan.

    Ngunit hindi lamang ang pagkakaroon ng anak ng kahilingan ng ibang sumasali sa taunang tradisyon ng pagsayaw sa piyesta ng bayang ito.

    Ang iba naman ay humihiling na magkaroon ng kasintahan o asawa, ang iba naman ay humihiling ng magandang buhay at ang ilan naman ay nais mapagaling ang kanilang karamdaman

    Samantalang ang iba naman ay nagsasayaw dito bilang pasasalamat naman sa biyayang ibinigay sa kanila ni Sta.Clara.

    Tanyag na tanyag ang bayan ng Obando sa kapistahang ito dahil sa isinasagawang fertility dance o ang pagsasayaw sa kanilang mahal na patrong Sta.Clara.

    Ayon kay Crisanta Andaya, residente ng Obando, tuwing sasapit ang kapistahan ni Sta. Clara ay nagsasayaw siya bilang pasasalamat matapos siyang mabiyayaan ng pitong anak at 11 apo.

    Ngayong taon ay sumasayaw naman siya dito upang hilingin na magkaroon ng anak ang kanyang pamangkin.

    Gayon din si Gng. Macaria Avendano, na nagpapasalamat din dahil nabiyayaan siya ng 6 na anak.

    Ayon sa kaparian, hindi lamang kapistahan ni Sta. Clara ang kanilang ipinagdiriwang kungdi maging ang kapistahan nina San Pascual Baylon at Mahal na Birhen ng Salambao.

    Magugunita na may 201 taon na magmula ng itatag ang bayan ng Obando ay marami ng pilgrims mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nagsisipagsayaw dito upang maghain ng kani-kanilang kahilingan sa tatlong nabanggit na patron.

    Aniya, kahit na ganitong panahon na bumabagyo, umuulan at bumabaha ay hindi nababawasan ang mga dumarayong deboto sa kanila taon-taon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here