Libingan ng bayaning Plaridel walang dalaw sa Undas

    535
    0
    SHARE
    BULAKAN, Bulacan — Tahimik ang libingan ng Bulakenyong bayani na si Marcelo H. Del Pilar dahil wala nang dalaw dito mula sa mga kaanak kapag mismong araw ng Undas.

    Ang dalaw kasi dito ng mga kaanak ng bayani ay sa mga huling araw ng buwan ng Oktubre na nasa malalayo nang lugar gaya ng Maynila at Tarlac.

    Kapag araw ng Undas ay tanging gwardya lamang ng dambana ang naroon at tanging tulos ng kandila at alay ng bulaklak ang makikita sa puntod.

    Ang mga labi ng bayani ay nakalagak sa Marcelo H. Del Pilar Shrine sa Cupang San Nicolas, Bulakan, Bulacan.

    Ayon sa nangangalaga ng lugar, karaniwang walang dumadalaw kay Del Pilar kapag Undas at nananatiling tahimik lamang ang kapaligiran dito.

    Maliban lamang sa bago sumapit ang araw ng Undas kung saan dinadalaw ng mga kaanak ng bayani ang puntod nito.Umiiwas na daw kasi sa mabigat na daloy ng trapiko ang mga natitirang kaanak ni Del Pilar kaya’t hindi nagtutungo dito kapag araw ng Undas.

    Hindi sa Libingan ng mga Bayani kundi mismong sa bahay ng mga Del Pilar sa ilalim ng higanteng rebulto nakahimlay ang mga labi ni Del Pilar.

    Ang mismong bakuran na ito din ang lugar kung saan isinilang ang bayani.

    Ito rin ang lugar kung saan nakatirik ang kanilang bahay na sinunog ng mga Kastila noong panahon ng pakikibaka ni Del Pilar laban sa mga prayle.

    Ang bangkay ng bayani ay inilagak dito noong Aug 30, 1984. Si Del Pilar ay namatay noong July 4, 1896 kung saan inilagak muna ang kanyang bangkay sa isang hiram na puntod sa Espanya.

    Taong 1920 naman nang iuwi ito sa Pilipinas at inilagak sa Museleo delos Rebolucionario de Veteranos sa Maynila bago permanenteng inilagak sa libingang ito sa bayan ng Bulakan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here