‘Libel suit’ laban kay Lacson, saan na hahantong?

    480
    0
    SHARE
    Kung si ‘yours truly’ ang inyong tatanungin
    Hinggil sa isyu ng naging ugat mandin
    Nitong salpukan ng mga matitinding
    Akusasyon at mga kontra pasaring

    Ng dalawang bantog na personalidad,
    Sa ‘business sector’ at pamamamahayag,
    Na sina Romero (negosyanteng tanyag)
    At Caesar ‘Bong’ Lacson (isang manunulat)

    Ay simpleng bagay na di dapat humantong
    Sa situasyong gaya ng ‘status’ ngayon,
    Kung saan itong ‘head’ ng ‘business sector,’
    Ay nag-‘file’ ng ‘libel case’ laban kay Lacson.

    Bunsod nitong naging pahayag umano
    Ni Bong Lacson laban key Rene Romero,
    (Na aywan kung ang nasabing artikulo
    Ay ‘libelous’ nga sa pagkasulat nito)

    Pagkat sa ‘ting sariling pag-analisa
    Ay wala rin naman tayong malinaw na
    Mababasang may ‘moral defamation’ siya
    Laban kay Romero, sa isinulat niya.

    Kung ang kataga’t salitang ‘ululating,’
    Ang siyang tila ninanais bigyang diin
    Upang kaipala’y kanyang palitawin
    Na ya’y ‘defamation’ na maituturing,

    Malayong mangyaring kasuhan si Lacson
    Ng libelo at/o ‘moral defamation,’
    Sa dahilang wala namang masama r’on
    Ayon sa sarili nating obserbasyon.

    Kasi nga po, ang katagang ‘ululating
    Ay di pagmumura kung pakasuriin;
    Kundi hinagpis lang o kaya hinaing
    Kung di man ‘pagtangis’ ang ibig sabihin.

    Sa di pagkapili bilang ‘Most Outstanding,’
    At/o ika nga ay ating maituturing
    Na isa sa ating mga natatanging
    Kapampangan ngayon sa probinsya natin.

    Kung anila’y bakit wala ni isa man
    Sa mga ‘nominees’ ng ‘business sector’ dyan,
    Ang napiling ‘Most Outstanding Kapampangan,’
    Tanging ‘Board of Judges’ ang nakaka-alam;

    At di lang si Lacson ang dapat tanungin
    Kung bakit ni isa ay walang napiling
    Maging ‘Awardee’ sa ‘business sector’ na rin
    Gayong lima yata ang nag-‘aspire’ mandin?

    Sa puntong naturan o pangyayaring yan,
    Na nakarating pa sa ating Hukuman
    Ang isyung di dapat humantong sa ganyan,
    Ano sa tantya n’yo ang kahinatnan niyan?

    Natural lamang na abalang malaki
    Sa panig nina Bong at ni Mr. Rene;
    Tiyak gagasta ng malaki ang huli,
    Para ipanalo ang kasong nasabi;

    At kahit ni singkong duling wala si Bong
    Ay di basta na lang nito mapa-urong,
    Pagkat lubusan ang paniwala nitong
    Hindi ‘libelous’ ang kanyang pagkatukoy;

    Pagkat tunay namang ‘awardee’ ang hanap
    Ng MOKA, at hindi sila itong dapat
    Kusang dumulog sa natatanging hapag
    Para sa naturang ‘Kapampangan Award’

    Kaya kahit pa man ya’y nabanggit pati
    O naisulat ni Bong laban kay Rene,
    Ya’y di ‘libelous’ din namang masasabi,
    Laban sa sinumang talunang ‘nominee’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here