Libangan ng mga buhay sa libingan ng mga patay

    859
    0
    SHARE

    BALANGA City – Matapos maglinis at mag-ayos ng mga puntod bilang paghahanda sa undas,  pagsapit ng dilim ay nagpupuntahan ang marami sa peryahan na malapit sa mga naglalakihang musuleo sa isang memorial park sa siyudad na ito na nagbukas kamakailan.

    Noong Linggo ng gabi ay dagsa ang maraming tao, bata at matanda, sa loob ng Eternal Shrine Memorial Garden, isang pribadong libingan na matatagpuan sa Balanga City upang magsaya, mag-usyoso, kumain at mamili.

    Sa isang bahagi na madaraanan ang iba’t-ibang puntod at malalaking musuleo, umaatungal ang hindi magkamayaw na mga loud speakers ng sari-saring establisimento. Ang perya sa loob ng libingan ay halos kumpletong libangan kung ihahambing sa peryahan sa karaniwang kapistahan.

    Dinarayo ang sari-saring tayaan na ang premyo ay iba’t-ibang mumurahing gamit o pera, may mga pagkain tulad ng hotdog, popcorn at iba pa. May mga tindahan ng laruan, damit, tsinelas at iba pa.

    Siyempre pa, merong ferris wheel, iba’i-ibang rides tulad ng Horror Train na maririnig ang sigawan ng mga bata.

    May palabas tulad ng babaing sawa at penguin man. May bilyaran, billiard pool, computer games at videoke na masayang pinaglilibangan ng marami sa lugal ng mga patay.
    Mananatiling bukas ang peryahan ilang araw matapos ang undas sa Nobyembre 1.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here