SAN MARCELINO, Zambales – Namahagi ng mga laptop, smart TV, tablet at interactive projector ang local government unit sa pangunguna ni Mayor Elmer Soria ang mga pampublikong paaralan dito.
Ito’y isang hakbang patungo sa mas mahusay na edukasyon para sa mga Kabataan, ayon kay Soria.
Pinagkalooban naman ng “Classroom of Tomorrow” na binubuo ng tig-isang interactive projector at 27 na tablet na gagamitin ng mga estudyante ang San Marcelino Elementary School, Linasin Elementary School, San Guillermo Elementary School, at Laoag Integrated School.
Personal na tinanggap ni DepEd district supervisor Dr. Romeo Fastidio kasama ang mga school heads ng bawat paaralan ang mga gamit mula kay Mayor Soria.
Nagpasalamat si Fastisio sa mayor “na walang sawang sumusuporta sa sektor ng edukasyon.”
Pinasalamatan naman ni Soria ang DepEd San Marcelino sa walang sawang pagsusumikap na maiangat ang antas ng edukasyon sa kanyang bayan.
“Ang inisyatibong ito ay patunay ng dedikasyon sa paghatid ng de-kalidad na edukasyon at pagsuporta sa mga guro at mag-aaral,” aniya. Photos: San Marcelino PIO