Home Headlines LGU naglaan ng P40-M para sa laptop, tablets

LGU naglaan ng P40-M para sa laptop, tablets

709
0
SHARE

Mayor Jocelyn Castañeda (kaliwa) at anak na konsehal Jaja Castañeda. Kuha ni Ernie Esconde

MARIVELES, Bataan — Naglaan ng mahigit P40 milyon ang local government dito upang ipangbili ng mga laptops at tablets para sa mga guro at estudyante ng bayang ito bilang gamit sa nalalapit na pasukan.

Sinabi ni Mayor Jocelyn Castañeda nitong Lunes na ang P30 milyon ay mula sa kanilang general fund samantalang ang mahigit P10 milyon ay bilang karagdagang pondo upang mailunsad ang napakahalagang proyekto para sa edukasyon ng mga bata.

Ito aniya, ang napagkasunduan matapos ang kaniyang pakikipagpulong sa mga kasapi ng sangguniang bayan.

Ang mabibiyayaan umano ay 1,200 guro sa elementary at secondary schools at 12,000 mag-aaral sa junior high school at 4,000 sa senior high school.

“Handa na ang Mariveles sa itatakdang pasukan ng Department of Education. Gagamitin ang mga gadgets sa pagpapatupad ng ‘new normal’ sa larangan ng edukasyon dito sa aming bayan,” sabi ni Castañeda, isang abogado.

Nakipag-usap na umano siya sa isang malaking internet provider sa Central Luzon para sa internet connection ng mga nasa malalayong lugar upang mabiyayaan ng socialized internet connection lalo na sa mga walang kakayahang magpakabit nito.

Ang Mariveles ay may 1,700 high school scholars na tumatanggap ng P600 bawat buwan na naantala ng tatlong buwan dahil sa problema sa coronavirus pandemic. Nakatakda na sabi ng mayor, na i-release ang P1,800 sa bawat iskolar sa darating na linggo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here