‘Let us protect the rule of law’

    389
    0
    SHARE
    Kung ang ‘highest tribunal’ ng ating bansa
    Ang siyang sa ‘rule of law’ lumalabag kusa
    Sa ganang inyo ay gasino pa kaya
    Itong sa ‘lower court’ ang di masisira?

    Sa di pagsunod sa kung ano ang dapat,
    Gaya nitong malinaw na nasasaad
    Sa ‘Local Government Code’ na binalangkas
    Ng ating batikang mga mambabatas.

    Partikular na ang mga panuntunan
    Hinggil kung paano puedeng mapabilang
    Ang alin mang bayan sa ‘ting kapuluan
    Para maging lungsod sa kasalukuyan.

    Kung saan ito ang mainit na paksa
    Ng isyung kung sino nga kaya ang tama
    Kina ‘LCP President, Mayor Oca,’
    At mga kasama, partikular na nga

    Laban sa desisyon ng ‘highest tribunal,’
    Kung saan bagama’t ‘unconstitutional’
    Ay kinatigan din sa kung anong bagay
    Na kaparaanang anila ay legal.

    At ang pinalabas nilang ‘legal stand’
    Upang ang petisyon ay ma-aprubaan
    Ay ‘ruling’ pa yata nang kapanahunan
    Ng Portuguese na si Ferdinand Magellan?

    Pagkat ang batas na ginawang basehan
    Ng attorney nilang kakampi rin naman
    Ng dating diktador na kapangalan n’yan
    Ay ‘superceded’ na at wala ng saysay.

    Kaya kung ito pa ang siyang ginamit
    Ng mga ‘magistrates’ bilang ‘legal basis,’
    Yan ay matituring nating ‘grave malpractice’
    Laban sa kung sino pa mang ‘erring justice’

    (And obviously a blatant ignorance of law
    To exercise such an abuse of power, too;
    As no one can deny that they already knew
    What are the rules of court and that are really new).
     
    Bakit igigiit nilang ipasunod
    Ang luma’t wala ng ‘effect and legal force?’
    Para lamang nila mapagbigyang lubos
    Itong ‘16 towns’ na atat maging lungsod?

    Gayong sila mismo ay batid n’yan halos
    Kung ano ang mga tamang rekisitos
    Para sa alin mang bayang nasasakop
    Nitong ating bansa upang maging lungsod.

    Na di na kailangang ulit-ulitin pa,
    Pagkat ang mayors n’yan ay din man tanga
    Para di malaman kung ano talaga
    Ang mga ‘requirements’ upang makapasa.

    Partikular na ang ating ‘court of justice’
    Na siyang taga-takal ng tama’t matuwid;
    At taga-husga sa magkabilang panig
    Kung alin ang dapat masunod ang nais
     
    O sadyang kahit na baluktot kung minsan
    Ay depende sa kung sino ang kabagang
    Ng abogado sa alin mang hukuman
    Kung kaya malimit ay palakasan lang?
     
    Di ko ninanais sabihing posibleng
    May nalalagyan sa ‘court of justice’ natin
    Kung kaya kahit na illegal ang dating
    Ng isang kaso ay napapalusot din.

    Pero di malayong mangyari ang ganyan
    Partikular na sa walang mapagkunan;
    Kung ang LCP ay gustong pahirapan
    Gasino na itong maliliit lamang?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here