Kay Aga Muhlach pala natutunan ni Pokwang ang isang magandang lesyon sa buhay niya.
Pokwang said that while working with Aga Muhlach in Ok Fine Whatever, she learned an important lesson na kahit kailan daw siguro ay hindi niya makakalimutan.
Advice raw ni Aga kay Pokwang: As much as possible, huwag mangungutang. Kaya raw ’pag may gusto siyang bilhin, sinisiguro niyang may pera siya. Kung wala naman, mag-iipon muna siya bago maglakas-loob na bilhin ang anumang bagay na gusto niya, alo na kung expensive.
Sey din daw ni Aga, as much as possible, avoid na bumili ng hulugan. As we all know, Aga told Pokwang na ’wag isiping laging may TV or film assignment.
Kung may hinuhulugan nga naman at biglang mabakante sa trabaho, paano na?
Ayon kay Pokwang, she bore this in mind when nang magpatayo siya ng bahay sa Antipolo.
That time, aniya, she felt secure dahil may daily show siya with Willie Revillame, ang Wowowee.
Itinatayo na raw ang bahay niya nang biglang mag-resign si Willie sa ABS-CBN. Kasabay nito, siyempre, ang pagtigil ng Wowowee.
So, a number of them ay biglang nawalan ng hanapbuhay.
Pokwang remembered how her mom worried for her. Paano na nga naman matutuloy ang construction ng bahay kung wala nang pagkukunan ng kita si Pokwang?
Anang komedyana: “Noon ko sinabi sa kanya na bago ako naglakas-loob magpatayo ng bahay, I made sure I had the money… yes, the exact amount which my contractor quoted.
“Kahit ’kako ang bayad sa interior decorator, may naitabi na ako.
“Well, this is one lesson from Kuya Aga which I want to pass on not just to my daughter but to my fellow workers in showbiz. Iba na nga kasi ang may naipon para may huhugutin kapag kinakailangan,” patuloy pa ni Pokwang.
As far as she is concerned, happy na raw siya with whatever she now has. Lalo pa nga at her unica hija is finally entering college. It makes her proud and happy.
The girl is turning 18 next year.
Pokwang recalled that when her daughter marked her 17th birthday and requested her to organize a party, she also asked her kung puwede niyang imbitahan si Enrique Gil.
When she turns 18, ’di raw alam ni Pokwang kung sino ang hihilingin sa kanya ng anak na maging escort.
Eh, bakit hindi ang Korean comedian na si Ryan Bang? On national television mismo, humingi si Ryan ng permiso ni Pokwang na ligawan ang anak niya pagtungtong ng 18, ’di ba?
Napiping bigla si Pokwang sa sinabi namin.
By the way, her daughter wants to take up Culinary Arts daw.
“Tulad ko kasi,” paliwanag ni Pokwang, “mahilig din siyang magluto.”