Ang suspek nang silbihan ng warrant of arrest. Kuha ng CIDG–Pampanga
LUNGSOD NG ANGELES — Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Intellidence and Detection Group ang itinuturong leader ng isang “Rentangay” group nitong Huwebes (July 23).
Sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong estafa ay inaresto ang suspect na si Rogelio Dungca ll sa Barangay San Jose sa lungsod na ito. Si Dungca ang itinuturong leader ng Dungca Rentangay Group na umanoy nag-ooperate sa buong Central Luzon.
Kwento ng biktimang si Allan Galang, apat na unit ng sasakyan ang kinuha ng suspek sa kaniya taong 2016 at malaunan ay hindi na ito nagpakita.
Ayon naman kay Capt. Leopoldo Cajipe Jr., hepe ng Pampanga CIDG, nirerentahan ng suspect ang mga sasakyan ngunit kalaunan ay isasanla na niya ito at pinapaikot ang pera ngunit hindi na ito naibabalik pa sa mga nirentahan.
Aniya, una nang nahuli si Dungca ng Highway Patrol Group sa kahalintulad na kaso at nakalaya lamang ito matapos makapagpiyansa at may mga kinakaharap na iba pang mga kaso ng estafa sa ibat-ibang lugar.
Sagot naman ni Dunca sa Punto! na abogado na niya ang bahala sa usapin at nasa korte naman na ito.
Ang suspek ay agad din na nakapaglagak ng pyansa matapos maaresto.