‘Late registrants, chance passengers’ bilang?

    847
    0
    SHARE
    Kung di matigas ang ulo ng Comelec
    At sinunod nila itong sa Section 8,
    Ng Article 8189 in its effect
    Marami dapat ang nakapag-‘registered;’

    Mula unang linggo ng Disyembre mismo
    Kung saan tinapos ng tanggapang ito
    Ang pagtanggap n’yan ng nagpaparehistro
    Gayong dapat hanggang nuebe ng Enero,

    Itong nasasaad sa Saligang Batas
    Na marapat sundin ng mga opisyals
    Ng komisyon, at sinunod na lang dapat
    Kung ano itong sa ‘ruling’ nakasulat!

    Katwiran ngayon ng naturang tanggapan,
    Gipit na sila upang maharap yan,
    Kaya’t ang gusto ay bagong botante lang
    Ang pupuede yatang magparehistro riyan?

    Kakulangan na rin naman nina Melo
    At ng ibang Commissioner din siguro
    Kung bakit umabot sa ganitong punto
    Na posible silang magipit ng husto.

    At di maisa-ayos sa takdang panahon
    Ang tamang listahan bago mag-eleksyon;
    Kasi nga kung sila’y di nag-urong-sulong
    Ay malayong tiyak na magkaka-ganun.

    Mula December 1, mantakin mo naman
    Kung ilan bale ang ‘possible registrants’
    Na dapat sana ay nakatapos na riyan
    Sa pagpapatala kung tuloy-tuloy yan;

    At di rin naman extensyong matatawag
    Sa ganang amin ang muling pagbubukas
    Ng Comelec dahil napakaliwanag,
    Na ang deadline nga ay Enero pa dapat.

    O mahigit isang buwan mula nang magsara
    Ang Comelec, at kung saan di na sila
    Tumanggap ng mga gustong magpalista
    Sa pag-aakalang wala ng kokontra.

    Pero nang dahil sa ang batas ay batas,
    At ito ang siyang dapat ipatupad,
    Pihong Comelec ang masisisi’t sukat
    Pagkat ang balota’y kakapusing tiyak;

    Dahilan na rin sa limitado nga yan
    At di sosobra sa opisyal na bilang
    Ng ‘registered voters’ na kinakailangang
    Bumoto sa araw mismo ng halalan.

    Kaya’t kung totoong sila ay hindi na
    Magpa-imprenta ng dagdag na balota,
    Sa tantya kaya n’yan mapagkasya nila
    Itong umano ay posibleng sumobra?

    Na ayon sa ilang Commissioners natin,
    Di lahat ng botante ay dumarating,
    Kaya’t ang para sa kanila ay puedeng
    Ibigay umano sa ibang darating?

    Papano kung lahat ng nakareshistro
    Gaya halimbawa sa isang presinto
    Ay nagsidating  din upang makaboto,
    Aba’y kawawa ang naghintay ng husto.

    At animo nga ay ‘chance passenger’ lamang
    Sa aeroplano ang kahalintulad n’yan,
    Na kaya lang puedeng ma-‘accommodate’ yan
    Ay kung may mag-back out na pasahero riyan?
    (Itong mga huling nagparehistro riyan,
    Sa punto ng ating komisyong naturan!)


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here