Ready na talaga si Precious Lara Quigaman na tikman ang buhay may asawa. As we all know ay inanunsyo na nila ni Marco Alcaraz ang kanilang kasal next year, 2012.
Tinanong namin si Lara kung may detalye na ba ang kasal at sabi niya ay meron na raw kahit paano.
“Nakapag-set na kami ng month, October (next year). October dahil para sa mahabang preparations and at the same time, ‘yung mga kapatid ko po, from school, ’yun ’yung best time sa kanila na makauwi, pati ang mama ko,” say niya.
Beach wedding daw ang kanilang plano sa Batangas pero naghahanap pa raw sila ng lugar.
Nagla-line-up na rin sila ng primary and secondary sponsors pero hindi pa raw nila nasasabihan ang mga ito kaya hindi pa puwedeng i-reveal.
Ayon kay Lara, kahit next year of last quarter pa ang kanilang kasal ay nae-excite na raw siya.
“Kasi ’yung sister ko, kinasal siya noong October 1, and before no’n, ‘yung gown niya, ’yung damit ng mga bridesmaid, dito lahat galing, sa UK kasi siya kinasal. So, hindi ko maisip ’yung plano ko sa wedding ko.
Ngayon, naka-focus na ako sa mga gusto kong mangyari, ganu’n.”
Kahit kasal na siya, ani Lara ay payag naman si Marco na ipagpatuloy pa rin niya ang kanyang showbiz career at hindi naman daw siya pinagbabawalan.
“’Pag pinagbawalan niya ako, babawalan ko rin siya,” biro niya.
Samantala, isa si Lara sa mga bida sa second episode ng Regal Shocker na Red Shoes. Kasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Wendell Ramos and Cacai Bautista.
Matatandaang unang lumabas ang Regal Shocker sa telebisyon noong dekada 80 at ang producer nito ay ang Regal Films mismo. Ngayon, sa pagbabalik nito ay sa TV5 na ito mapapanood every Saturday, starting Nov. 5 pagkatapos ng The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto.