Home Headlines Laptop para sa mga guro sa Bataan

Laptop para sa mga guro sa Bataan

439
0
SHARE

LUNGSOD ng Balanga: Namahagi ang provincial government noong Huwebes ng libreng Macbook laptop sa 3,235  guro sa elementarya ng  mga pampublikong paaralan sa Bataan sa layuning mapataas pa ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan. 

Pinangunahan nina Gov. Jose Enrique Garcia 3rd at Dr. Carolina Violeta, superintendent ng Bataan Division of Schools,  ang pamamahagi  sa tulong ni Power Mac Center CEO Lawrence Sison at  iba pang opisyal. 

Ito, ani governor, ay pagpapatuloy  ng mga ibinigay na Macbook noong nakaraang taon para naman sa mga junior at senior high school teachers.

“Magagamit ang mga laptop  sa pag-aayos ng mga leksiyon para mas maging malalim ang kanilang mga visual presentation para sa mga mag-aaral. Pero ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagbigay ng mga laptop sa mga teachers ay dahil gusto nating maging 100% ang pag-utilize o paggamit ng learning management or elements,” paliwanag ni Garcia.

“Dati kasi ang mga teachers meron silang lesson plans na karaniwan nakasulat sa kanilang mga notebook,  tapos gumagamit sila ng mga textbook.  Ngayon online na rin available ang kanilang lesson plan.  Ang mga resources  tulad ng websites, mga video,  mga pictures, illustrations puede nilang kunin kahit saang online resources,” patuloy ng governor. 

“Naka-tag o nandoon na rin ang mga link sa mga elements kaya yong estudyante pagkatapos ng klase baka may gustong ireview o baka may hindi naintindihan ang bata dahil  pati kasi mga bata puedeng mag-log on sa learning management system  so puede nilang mabalikan, sabi pa ni Garcia. 

 “Ang  mga bata ngayon mga self learners at  dahil nakapose naman doon ang pinanggalingan ng itinuro ng kanilang guro,  mas madali sila ngayong makahabol o maging mas advance pa sa mga itinuturo ng kanilang mga teachers sa iba’t ibang subject,” sabi ng governor.  

“So ‘yon ang pinakamahalaga at ito ring learning management system makakatulong din sa mga teachers para sa mga reports.  Hindi ba reklamo ng mga teachers halos lahat ng mga ipinapagawa sa kanila except ‘yong maayos na pagtuturo dahil ang daming mga reports at iba pa na pinapasubmit.

Siyempre kung may sistema pati mga reports,  marami diyan to generate na lang nila puede na i-submit sa DepEd.  Pati exam puede na rin mag-exam online.  Siyempre kapag online ang exam, mabilis din na lalabas ang grade kaya submitted agad sa principal at sa iba.  Malaking bahagi ito para lalo pang tumaas ang antas ng edukasyon sa ating lalawigan,” pagwawakas ni Garcia. (30)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here