Home Opinion Lapid at Pangilinan, umani ng mag-asawang sampal?

Lapid at Pangilinan, umani ng mag-asawang sampal?

880
0
SHARE

ITONG diretsahang ‘in public’ sinabi –
‘Sa Radio na, TV pa,’ nitong si Ka Rene
Sta. Cruz, na isa r’yan sa ‘DOBOL B’
Tagapagbalita maanghang, matindi !

At masahol pa sa sipa ng kabayo
o suntok ni Paquio itong ibinato
na napakatinding ulat/komentaryo
laban kina senador Kiko at Lito.

Maituturing na sila’y ibinilad
sa mata ng masa hinggil sa madalas
na di pagsipot n’yan sa tungkuling dapat
gampanan nang walang pinipiling oras.

Kung saan sa ganang sariling pananaw
natin ay kulang pa’t mag-asawang sampal
ang dapat matikman n’yan ng literal
upang sa dalawa ay magsilbing aral.

Itong si Sta. Cruz ay hindi po natin
masisi kahit na anong ang sabihin
na sa ganang kanya tama lang marahil
at walang batas na maaring pumigil.

Yan di masasabing paninirang puri
kung totoo itong bagay na sinabi
ng kilalang ‘broadcaster’ nitong ‘Dobol B’
na sadyang walang kinikilingan pati?

Malaki ang pagkukulang nina Lapid
at Pangilinan sa tungkuling sa Senate
na dapat harapin, kaya mas iinit
ang isyu kapag siya’y sa taynga pinitik.

Sila’y inihalal nating mamamayan
para sa tungkuling marapat gampanan,
at di para magpa-kasarap sa perang
sinasahod na di n’yan pinagpaguran.

Kaya kung di rin lang magampanan nila
ng taos sa puso ang para sa masa,
bumalik na lamang sa pag-aartista
(si Lito); at si Kiko sa dating linya.

Kaysa manatili sa tungkuling tangan,
na hindi naman nga n’yan nagagampanan
ng husto, kung kaya higit na mainam
bumaba na lang kung totoo ang bintang.

Yan kung di na nila puedeng ikaila
sa Masa ang bagay na ibinulgar nga
ni Sta. Cruz, pero kung yan sa hinuha
nila, na ito’y may himig paninira;

Ihabla si Rene ng anumang kaso
na ‘applicable’ sa ibinulgar nito;
Pero kung mapatunayang totoo,
darami ang ‘fans’ niya sa TV at Radio.

Kasi anumang bagay na iniulat
ng media, ma’pa-print o kaya ‘in broadcast,’
huwag lamang ‘hearsay’ ay pihong ito’y ligtas
sa kasong libelo ng taong nangusap.

At itong ‘Freedom of Information,’ saka
malayang opinion, ‘freedom of speech’ pa
ang kalasag d’yan ng kabilang sa media
laban sa naghaharing uri kumbaga!

Sulong… huwag matakot, ihayag ang dapat
sa bayan ng walang sukat iksindak,
nang sa gayon itong sa gobyerno tamad
at iresponsble mawala ng lahat!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here