Lalaking nahulihan ng baril, arestado

    363
    0
    SHARE

    IBA, ZAMBALES – Arestado ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng di lisensiyadong baril habang ito ay nasa gilid ng kalsada sa Purok 3, Cuhay, Barangay Sto. Rosario sa bayang ito.

    Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arturo Datu Jr., 42 anyos, at residente ng Purok 4, Sto. Rosario ng nabanggit na bayan.

    Ang suspek ay dinakip ni PO2 Mark Dowell A. Coloma ng Zambales Provincial Public Safety Company sa Barangay Malimanga, Candelaria, Zambales nang makitang may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

    Nang hanapan ni Coloma ang suspek ng lisensya at Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) ay wala itong maipakita.

    Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang Kalibre 38 revolver na may kargang apat (4) na buhay na bala.

    Ang suspek ay sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunition sa Iba, Zambales Prosecutor’s Office, na may kaukulang piyansang P60,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here